utak mo
October 16, 2008taenang buhay to… naiinis na ko sa natitiranag utak na meron ako… halos isang linggo ko ng napapansin ang sarili ko, na kapag wala ko sa harap ng PC…. naglalakad, kumakain o nasa trabaho… andami dami kong naiisip na gustong isulat nagsasalita pa nga ako na mag-isa para lang mapractice (yun na yun, parang si raulo) at hindi lang basta sulatin…mga malulupet na tema ang naiisip ko… pero taenang pagdating sa bahay… waaaaaahh.. ni isang dukling sa mga naiisip ko kanina, nangawala na… taenang buhay nman to… kung kelan ako may time magsulat, saka nman walang magndang pumasok sa katiting na utak ko..lol
sabagay, sa pagod na din siguro… trabaho maghapon, tapos darating sa bahay may mga personal pang aasikasuhin, kakain at maghuhugas ng pinagkainan… waaaaahhh kaya pagharap sa PC bugbug sarado na ang kawawang utak… dehydrated pa sa maghapong pagiisip ng kung anu ano…natapos na yung trabaho nya sa maghapon kaya yun, nagpahinga na din siguro mag-isa kahit diko pa sinasabihan na “o sige UTAK thats it for today, pahinga ka na” tanung ko nga minsan, meron din kayang sariling utak ang utak? kase di ba, kapag di gumana ang utak, di mo mapipilit na gumana yan… di tulad ng bunganga na kapag ayaw ngumanga, pwede mong daanin sa dahas at bubuka yan… o di kaya tulad ng mata na kapag ayaw pumikit eh, tutukan mu lang ng patalim, titiklop yan.. utak nga nman sobrang talino, sa likod pa ng mata pumuwesto, nakapatong sa likod ng bunganga, dila at bibig… sa pagitan ng dalawang tenga, gwardyado ng matatalim na ngipin at nakasuksok sa ilalim ng bunbunan (na sabi ng matatanda, sensibibo at kelngang pangalagaan)… hostage nya lahat yun para hindi sya mapwersang magtrabaho at gumana kapag tinamad at tinopak na… waaaaa… kaya minsan tuloy, nasasabi ko kapag may nakikita akong bobo at walang common sense “tamad ang utak nito” hehehe
kaya eto hanggang kinig music nalang ako… waaaaahhhh wala akong magagawa.. tinamad utak ko eh… ayaw gumana ng maayos… kaw, tamad din ba utak mo? kaya bukas ko na gagawin yung gusto kong topic.. yung tungkol sa…. ahhhh anu na nga ba yun? basta yun na yun…
muymuy palaboy
babala:
isa po itong walang kwenta
ang inyung matutunghayan ay wala pong kinalaman sa istasyun na ito… patnubay ng magulang ay kailangan

nakilala ko lang sila sa internet…. bago pa man sila makita at mapanood sa bubble gang na regular, nakikita ko na sila sa youtube.. bale diko lang sila pinapansin nung una pero dahil sa kulit at lupit nila sa bawat video nila natutunan ko na silang mahalin… dahil dito isang pagpupugay sa muymuy palaboy!…lol
pinakagusto kongbahagi yung 2:30-2:40
happy thanks giving day!
October 13, 2008Happy thanks Giving Day!
ilang Turkey na naman ang masisintensyahan? ilang Pabo na nman ang magsasakripisyo para lang mairaos ang espesyal na araw na to para sa mga canadian at mga north american…lol sa Thanks Giving Day, ang Turkey ang katumbas ng Keso De Bola sa Noche Buena ng pinoy…miss ko na ang pinas pero dahil nandito ako, malayu sa pinas, pinagtityagaan ko na ang kakaboring na pagdiriwang ng mga tao dito..
well, kung sa title ng post na to ang pagbabasehan, theres so much things to be thankful nga nman… wala mang gantong okasyun sa pinas, alam ko araw araw katulad ko din kayu na di nakakalimut magpasalamat kay bestfren sa itaas… magpasalamat sa lahat ng bagay na dumating sa buong araw… magreklamo at humiling ng kung anu anu.. pero sana nga lang thanks giving day man o hindi matuto pa rin tyung magpasalamat sa mga simpleng bagay na binigay sa atin… katulad ng goodhealth at peace of min… pagkat hindi binibigay ni Lord lahat ng gusto natin, bagkus kung anu ang Kailangan natin… naniniwala ako na lahat ng bagay dumadating sa tamang oras…kasabay ng pagsisikap at tamang diskarte:] cheers mokong!
Rosaryo ni POgi
October 12, 2008
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Black rosary sa buwan ng oktubre (nagnonobena araw araw most of the time a amin nun gabi o di kaya hapon kase mainit sa tanghali - at pinagpapasa pasahan ang rebulto ni mama meri para manirahan ng isang gabi sa kani kanilang bahay. nais kong ibahagi ang isang nakakatuwang kwento sa inyu…medyo may kinalaman din ito sa litrato na nakalagay sa kanan… ahhhh kaliwa pala… yan kase yung simbahan nmin sa bayan namin… patron namin si ewan ko kung sinu, basta ang pangalan ng simbahan namin, OUR LADY OF IMMACULATE CONCEPTION at panatiko talaga ang mga tao sa amin kung ang paguusapan ay rosaryo at si Mama Meri…
ito ang kwento:
Linggo. halos labasan ako sa tuwa sa panonood ng “simpsons” sa starworld. sa wakas ay may keybol na rin tong isang TV dito sa taas sa family room. mga labinlimang minuto na ring akong nakatunganga sa harap ng antigong TV nang biglang isang talsik-laway na sutsot ang narinig ko sa baba…
“Baba ka na! magsisimula na!”
ano daw yon? ah, siguro kakain na. medyo nagrerebolusyon na rin ang bituka ko kayat minabuti ko nang bumaba.
ano to?!
anim na matatandang babae at nangangamoy “tina” na tinatawag collectively as Mother Butlers at dalawang naghahagikhikang dalaginding na malamang sa pagtanda ay magiging miyembro na rin nila ang nagkikikislot-kislot sa kanilang mga kinauupuan ang tumambad sa paningin ko.
“O! etong rosaryo mo! ikaw ang first mystery ha!” sabay abot ng nanay ko sakin ng black rosary. inabot ko yon ng may takot sa likod ng isip ko na baka mangisay ako sa oras na dumampi yon sa balat ko… hindi naman.
oo nga pala. last day ngayon ng estatwa ng Virgin Mary sa bahay namin. ewan ko ba kung bakit napagawi sya sa aming bahay gayong hindi naman relihiyoso ang pamilya namin (maliban na lamang sa nanay ko na paminsan-minsan ay nagsisimba).
Okey lang naman sakin ang ganon pero namaaaaaan… kailangan pa bang ako ang mag-lead ng dasal e ni “oh my god” lamang e di ko pa ma-memorize. (teka bago ako magpatuloy, di po ako atheist; naniniwala ako kay God pero sa mga rebulto, hindi. di ba yung mga rebulto kapag nabasag ginagawang chalk. ganun ata yun. pero katoliko ako by default)
nagsimulang magdasal ang nanay ko habang ang mga matatandang ale naman ay nangagsipikit na parang kinakalikot ang kanilang mga ano ng isang mahiwagang kamay. hinagilap ko naman agad ang prayer book na dala-dala nila at nagpa-panic kung ano nga ba ulet ang first glorious mystery. grade 1 pa ko nung huli ko itong gawin. tutal nakapikit naman sila eh di naman nila ako makikitang di magkandatuto sa paghahanap ng unang misteryo… ayun! resurrection!
“… deliver us from evil, amen… uh-urmmm…A-men!…Psst.. A-men na, ikaw na!”
ah oo nga pala… yun na yung cue ko… “The first Mystery of the Glorious Mystery…(teka parang mali ata)… The Mystery of the Rosary is Gloriously the First… (naku, pano ba to)… The First Mystery is the Resurrection…ehem… Glorious Mystery”
Mas malagkit pa sa inihaing kakanin ng nanay ko ang mga butil ng pawis na tumatagaktak sa katawan ko habang sinasambit ang mga dasal na sana’y ni-rehearse ko muna bago magsimula.
“Hail Mary full of Grace… of thy womb Jesus… Holy Mary, Mother of…” ay ganun pala yun. dapat pala titigil na ko sa of-thy-womb-Jesus tapos sila na ang magpapatuloy. hmmm, madali lang pala e. sabihin ko lang ng sampung beses tapos solb na ko. ate ko naman ang second mystery.
pero teka! ano na yung next prayer matapos magpaulit-ulit ng sampung Hail Mary (na hindi ko makuha ang point kung bakit dapat ulit-ulitin. di naman siguro bingi ang dinadasalan namin)… ah Glory be. chicken! alam ko to. “and to the Holy Spirit..” syempre this time, alam ko nang dapat tumigil na ko dahil sila na ang magapapatuloy ng “… as it was in the beginning…”.
Tapos na ang Glory Be. 2nd mystery na ba? hay sana naman dahil ayoko nang magpatuloy pa.
“Hoy! Ejaculation na!” sabi ng nanay ko.
“HA? Pakiulit nga?!” tama ba yung narinig ko Ejaculation daw? of Mama Mary? Ano ba to? Muntik na kong magbaba ng shorts ko sa harap ng rebulto kung hindi pa itinuro ng ate ko ang nakasulat sa prayer book. Oo nga naman ejaculation nga. pero naman… sa dinami-dami ng words bakit yun pa. sus. yun pala yon. enweis wala na kong magagawa dun…
tapos na ang part ko sa pagli-lead ng prayer. tapos na ang first mystery. minabuti ko na lamang na manahimik sa isang sulok at makinig sa mga kapamilya ko na siya namang sumunod sakin…2nd…3rd..4th… hanggang 5th mystery.
tapos na ang rosary. ililipat na sa ibang bahay ang estatwang gawa sa chalk. syempre, alangan namang yung matatanda ang magbubuhat ng poon kaya ako na lang ang “ini-volunteer” (tsk tsk tsk) ng nanay ko para magdala noon. hawak hawak ko na si mama mary palabas ng gate ng biglang may kung anong mahiwagang mga boses ang umalingawngaw sa aking likuran… anak ng pu–… kundi ka ba naman sinuswerte talaga, oo. habang naglalakad ako ng marahan sa gitna ng kalye ay may pulutong ng mga de-kandilang mga menopause ang nag-e-escort sakin papunta sa bahay na paglilipatan habang kumakanta ng makabagbag-damdaming - “araw-araw kay Maria, kami ay nagdarasal…”
next time, kung sakaling may ganitong okasyon uli, mag-pa-practice muna ko para di na ko magmukhang tanga sa harap ni Mama Mary. sa pagkakataong yon, alam ko na na ang ejaculation pala ay pwede rin habang nagrorosaryo. at dapat ko ring tandaan na wag pumayag kung sakaling “i-volunteer” ka ng nanay mo na magbuhat ng santo. nakakakilabot.
copied from; http://pogingpayatot.blogspot.com
Fall for You (again)
October 8, 2008hindi na nga talaga mapipigilan ang pagdating ng tag-lagas… tulad ng pinagdadaanan ng isang tao, dumadaan sa mga panahon na pakiramdam mo wala nang bukas… wala ng pag-asa at wala ng ibang makakasama sa buhay kundi hirap, luha at lumbay…
masarap mabuhay nang may kasamang panget at di masyadong masasaya… hindi mo maaappreciate yung mga bagay na masasaya kung walang malulungkot.. dimo makikita yung kaibahan ng maganda kung walang mga panget…
ang pagdating ng tag-lagas ay nagpapakita na ang panahon ay nagbabago… mawawala man ang mga bagay na inaasahan mo at inaakala mong permanente na sayo, pero panandalian lang yung… nauubos ang lahat ng meron ka sa panahon ng tag-lagas… dumadating ang malamig at malungkot na buhay ng tag-lamig pero bubuhos nman ang biyaya sa tag-sibol.. babalik ang matitingkad na bulaklak at dahon… kasunod ng pagbibigay ng mainit na yakap ni inang araw sa tag-init.
APAT NA PANAHON… Buhay nagbibigay kulay at Buhay..
kinig na…




