sarabo kosa
November 1, 2008
Pagbabalik… kadalasang ginagawa ng mga taong umaalis… matapos ang mahabang pagmumuni muni… pagiisa… pagiisip at pagtimbang sa mga bagay-bagay at paghanap sa tunay na ninanais at makakapagpasaya sa bawat araw na ilalagi pa dito sa mundo.. dahil undas, kasabay ng pagpanhik ng mga kaluluwang ligaw mula sa sementeryo… ako din ay babangon sa aking kinasasadlakan…pabalik sa aking pinagmulan..waw.. sa aking madalas ipantasya… daig ko pa ang tinatakam na daga sa katiting na keso… ganun ako kaeksayted magbalik..(nawala ba ako?)
I officially declare… IM BACK! hindi ako galing sa bakasyon.. sa pakikipagtanan… nag-abroad… naglayas o sa simpleng umistokwa (na madalas gawin ng mga bata) lang… basta IM BACK hehehe… isang masigabong palakpakan nman dyan! salamat sa naka-miss sa akin.. (meron ba? taas ang kamay..)
matapos magnilay-nilay… magmukmok at magkunwaring tulog.. gising na si KOSA! feeling at HOME! adik na adik pa rin… hilong hilo sa kakaisip… sa simpleng kwentuhan with evol.. (asan na blog mo?) ganun din kay Guro Sunny naliwanagan ang inaagiw kong kaisipan… namutawi ang binubulong ng aking utak at konsensya.. miss ko na din kayo… gusto ko ng bumalik…
matapos akong apak-apakan.. bugbugin.. tadyakan… at api-apihin… madami ang naawa.. makisimpatya.. at nagbigay suporta sa akin… pero sa lahat ng naningkit… dumura… nagtaas ng kilay.. nangutcha.. gumamit ng kilikili power.. nagtago sa dilim at walang mukang maipakita.. isang karmang tadyak sa muka ang wish ko para sa inyu.. sana naman malasap ninyu ang lahat ng kahihiyan at kadramahan na binigay nyu sa iba(at ako yun)..dahil aping api ako.. wala akong kalaban laban… nasa akin ang tiwala at puso ng madla…(joke lang) gaya ng madalas mapanood sa Tv.. ang bida ay inaapi sa umpisa hanggang sa kalagitnaan… ngunit sa huli, nangingibabaw pa rin ang Bida..
at dahil magbabalik na ako… asahan ninyu na guguluhin ko ulit ang inyung mga mundo… eepal sa mga chatboxes ninyo… huhulaan kayu ng libreng libre.. pangingitiin ang inyung malulungkot na umaga… kikilitiin ang inyung mga kilikiling mamasamasa.. kukwentuhan ng walang kakwenta-kwenta… aaksayahin ang mga oras at syempre susuportahan ang inyung mga kwelang pakulo.. o maging pangkabuhayan pa man yan, asan nyu ang aking suporta. bwahahaha…
tagay mga kosa
click here:

Excuse me po..
October 27, 2008Mga minamahal kong kablog, kakilala, kakosa at tagabasa,
Isang malugod galing sa gulugod na pagbati mula sa inyung lingkod….
Sa mga nakaraang araw… madaming nangyari na di inaasahang bagay sa aking buhay.. sa trabaho.. sa pamilya.. sa buhay pag-ibig at sa buhay blog.. haaaaaay… (isang buntong hininga!) napapansin ko sa mga nakaraang araw na talagang sunod sunod ang kamalasan na dumarating sa buhay ko.. una, sa trabaho, ilang araw na akong walang matinong gainawa.. kulang sa tulog marahin dahil sa sunod sunod na araw na ginawa ni lord sa itaas, lima hanggang anim na oras nalang ang tinutulog ko… pangalawa, sa pamilya… may mga bagay na di na kailangang sabihin kase dadanak lang ang luha… pangatlo, sa pag-ibig…kanina lang open ko yung YM ko my offline messege ako na natanggap.. nakakalungkot at nakaka… diko alam kung anung dapat kong sabihin.. alam ko na ako ang dapat sisihin sa lahat… siguro i deserve and she deserves something better than your kakosa…kung mapadpad ka man dito boss, nahihiya ako sayu at sana tanggapin mo yung sorry ko para sa lahat ng pagkakamali ko… panghuli, ilang beses na din akong nagmumukang engots sa blogging.. paturo dito..paturo dun..lolz.. minsan ginagawa ko lang yung pangungulit bilang katatawanan pero nagbabago na pala yung paningin ng iba sa akin..lolz oks lang.. di nman ako ganun kadesperado sa respeto…
Dun sa huli kong post…nasasaktan din pala (or should i say naiinis?) ang taong walang pakiramdam lalo na kung yung mga taong humuhusga eh nasa kadiliman at ayaw magpakilala… sabagay.. oks lang siguru yun… atleast may pumuri nman sa akin kahit pabola lang…
Bilang pagtatapos, mawawala po muna si kosa sa mundong masaya… ang unang season ay tapos na at concentrate muna sa elsweka… babalik po sya pagkatapos ng kulang-kulang isang buwan… sisilip silip lang paminsan minsan. sana pagbalik ko may mga kakosa pa din akong makikilala at makakakilala sa inyung kakosa..
Sige sige ingat ingat and stay safe…
salamat
Kosa

Hindi ako si BADOODLES!
October 25, 2008Hindi ako si Badoodles.. yan ang gusto kong isigaw sa mundo… hindi nman sa nandidiri ako sa “pangalang” yan pero hindi nman tagala ako yun eh… at respeto na din sa taong gumagamit sa pangalan na yan.. si idol badoodles ay isa nang icon sa blogworld… hindi ko alam kung gaanu na sya katagal sa blogging pero sa tingin mo matagal na sya… kumbaga sa sisiw, manok na.. sa tinapay, inaamag na… kung sa bangkay eh naagnas na… ganun na sya katagal… at AKO, beybing beybi palang… kung susumain mahigit isang buwan pa lang ako sa blogging.. kung sa bata eh nasakay dadi pa… ni di pa nakakarating ke mami… ganun pa man, di pa man ako buo may puso’t bituka na ako… mararamdama ang bawat masasakit na salita na binabato sa mura kong muka… kinakain ang mga fried chicken na tira-tira sa mesa at persto nabubusog ako.. pero paanu ka nman mananahimik kung hinuhusgahan ka nila without even asking those prime important words… HAW, WER, WAT at WEN? ang sakit-sakit-sakit nman nun..para kang sinaksaksak ng nakatalikod…
naalala ko tuloy yung pangaral na epal ni GURU SUNNY nung nakaraan…bakit daw ako nag-rerepost ng post? sabi ko nman wala lang.. pero sa totoo lang nagagandahan ako sa post na yun kaya ko repost yun… pangalawa, hindi ko nman inisip na mumurahin ako ng taong diko kilala dahil sa repost ko yung post nya ahhh.. di pala yung post ng iba (post nya ba yun? nagpaalam po ako sa may akda… at sa batas ng mga epal, silence means YES!)…buti nman sana kung nag-iwan sya ng identity kung bloggerger din sya.. KAPALMUKS daw ako.. well, alam ko na yun… ok lang na sabihan mo ako na makapal ang muka ko kung kilala mo ako… pero kung hindi mo ako kilala… di rin kita kilala HU U?
LOOSER!!! ahhh oo naman.. matagal ko na ding alam yan, i know i didnt win all my batlles in life preo there are those certain things that you learn from becoming a looser… the lesson that you will never learn from anywhere else… ito yung words ni papperdoll sa chismax ko:
papaerdoll: ikaw pala si badoodles. . ngayon co lang nalaman:D
paperdoll: nabasa co ung letter for ur(supposed 2 b)future son. . nabasa co rin kasi ung nakunan ung bebemo:(
ako: di ako si badoodles ahhhh
paperdoll: hindi ba ikaw un? sus! bebeko rintawag tapos di ikaw. . pero parang di nga magkamukha.
Sa simulat sapol… sinabi kong hindi ako si badoodles.. tapos may bigla nalang sumulpot na naninita sa akin…waaaaaaaaaaat? looser nga epal na ganun… nagrerepost daw ako ng post.. waaaaaaaaaattt? di ba nya nakita yung tags ng post na yun, REPOST! lolz. ni hindi ko nga yun kilala…sinu ba yun? TONY yung nakalagay na pangalan nya.. ewan ko kung blogger din sya.. di naman nya sinabi kung anung gustu nyang mangyari.. kung gsto ba nya ng WORLD WAR III o kung anu pang word war…
Makapal ang muka ni kosa pero di ko nman planung gumamit ng pangalan ng may pangalan… kahit kelan diko hinangad na maging si badoodles…o kahit na sinu pa mang established blogger sa mundo.. nagboblog ako dahil natutuwa lang ako.. si KENO ang dahilan kung bat may FOURSEASONs ako… at si BADOODLES ang dahilan kung bakit pinili kong tagalog na parang walang kwenta ang blog kong ito.. ayun, sana nman malinaw nA.. kaya kung sinu man ang may reklamo, sa BARANGGAY kayu magreklamo…hawg magiiwan ng kung anu anung di magandang salita.. dahil nakakasira ng umaga… makialam at magtanung muna bago gumawa ng kongklusyun.. yun lang.. ang sinu man na may angal, YM ko jerald_s21 salamat at magandang dalga po!
Pero bilang pagtatapos, sabi nga ni araw araw, ang ke juan eh ke juan ang ke pedro ay kay pedro..may natutunan na nman ako…isang paumanhin po.. bangag lang..lol!
at dahil tapos ang boxing, goodmorning!!!

Pakulong Katchupuy
October 21, 2008Isa ito sa natutunan ko dito sa blogosphere: ang maging competitive.. diko alam kung tama ba, na sa tanda kong ito, nakikinig pako sa mga mala-epal na pangaral ng kung sinusinung damuho dyan..lol ganun pa man, try lang baka palarin..sayang din yung sandamakmak na premyo.. na sa HULA ko ulit magdudulot ng tagtuyot sa bulsa ni buraot na nangangamoy dugyut (as in inaamag na dolyares) sa kandungan ng nanunuwag na usa ng aremika…
Ito ay sa pakulo ni manung Buraot—> anak ni kulapo
Mahal kong Kachupoy Buraot Y kopongkopong, (full name pa ah!)
Napili ko po ang inyung post na—–> forty days and forty nights nakakarelate lang kase ako sa post na to.. actualy lahat nman ng post mo (palakasan ba to!?) binasa ko talaga, kaso ito sa tingin ko yung pinaka”cool” at pinakasagad sa butong kumiliti sa aking mamasamasang kilikili. akala ko ako sa panaginip ko lang makikita, maamoy at malalasahan yung mga edeyang ganun.. anu na nga ba yung sinabi mong dumapo sa malaNAIAng noo mo? sakit na GAUT? anu ba yan, di ba sakit sa gilagid yun? yan kase madalas kang magsinungaling kaya yan tinamaan ka ng sumpang mala barakong kambing ang dating… sabi ng matatanda, ang madalas na pagsisinungaling, nagdudulot nang kamalasan, kasabay ng pag-itim ng gilagid.. gusto mo gamutin natin? oks na yung katiting mong kulangot.. Hay tek na ngayun ang Kulam… sa pamamagitan ng kulturero power ko, magagamot ko yan…
patalastas mode: ang sinumang nangangailangan ng tulong ispiritwal, kontra kulam, haytek na teknolohiya upang malaman ang inyung karamdaman, malupit na hulang mala madam awring ang dating? ako lang makakasagot dyan… kosa ang kelangan.
Pero ang talagang dahilan kung bakit ako gumawa ng ganito eh para naman mabahagian ako ng konting biyaya galing syu..sana manalo ako.. wahhhh sana sana..kapag nanalo ako babahagi ko yung mapapanalunan ko sa mga taong nangangailangan, mgpapatayu ako ng eskwelahan at eskwelahan… ilelegalize ko ang abortion, samesex marriege at drug addiction… magdodonate ako ng dugo at kulangot…i thank you.
nagmamahal,
kosa
ayan; pormalpo akong sumasali sa contest ni:
anu pang hinihintay nyo? sali na….
Koment nman dyan!
October 20, 2008Linggo ng Hapon… ika-labing siyam ng Oktuber… bangdang alas-kawtro y medya ng hapon… eto nakatambay… naglalakbay sa malayung lugar kung saan nagagawa kong posible ang mga imposible… in short bangag!
Hindi madaling gumawa ng post lalo na kung ang mga nauna mong post ay tinamaan ng sandamakmak (kuno!) na papuri kulang nalang na bigyan ka mala Edsa na shrine na istatwa sa kahabaan ng Edsa o di kaya ipagdiwang ang bertday mo bilang halidey ng mga bloggers… minsan, halata mo na inuuto ka lang… pero yaan mu na… libre nman ang mga ganun eh… pupuriin ka..bahala ka na kung maniniwala ka… kung katulad mo ako, syempre, adik ka… baliw… at may sayad… in short mdaling mauto, syempre maniniwala ka… tae nat paanu ka ba nman makakahindi eh sa lakas ng hangin kapag pinupuri ka eh parang tinataan ka ng ipo-ipo sa lakas ng hagupit…kulang nalang na liparin ka sa dami ng papuri at minsan masmalakas pa yata sa dulot na perwisyo ng mga dumadaang bagyo, tsunami at hurricane ang dating.. diko na alam kung anung tawag dun… nakaka-hyper… di ka kayang pakalmain ng iisang basong tubig at palamigin ng kawawang electric fan na panay ang ikot sa iyong tabi.. o di kaya ng aircon na minsan lang gumana… pakunswelo nalang yung mga kakarampot at maharot na comment na matatanggap mo… yun nga madalas para magmukang madaming comment yung post mo… gagawing parang YM yung comment ng mga post…tsk tsk tsk… oks nman agree (di ako kokontra) atleast nakikita ng madla na bumibisita na madaming komento yung post mo ganun din yung palitan ninyu ng kuru-kuro’t komento… at yung komento sa komento ng komento mo… at yung komento nya sa komento ng komento mo sa komento nya… waaaaa.. ang gulo… sana di ka nahilo…
anu nga bang masasabi ko sa mga komento na nakikita ko sa mga ibang post.. wala nmang unusual… madalas kase nakikita at naapansin ko… puro nalang papuri… puro naman “agree ako”… “pwede na”.. o di kaya “ganun din ako” ang nakikita kong letanya… pwede ka nman sigurong bumati sa comment di ba.. yung mala,” ahhhh andito ako.. binabati ko yung kapatid ko…” o di kaya, ipamahagi mo yung paborito mong kanta o singer.. yung mala” sabi nga ni ogie alkasid, ditoooo.. dito sa puso kooooo”… pwede ka ding mag mura…yung mala, “tae na…gayahin mo style ko… commetn nman dyan.. ang di magcomment, tutubuan ng galis sa singit..” o di kaya magshare ka ng about sa mga special talents na meron ka… yung mala… “sabi ng lolo ko, madalas daw nagkakatoo yung mga sinasabi ko, may nunal kase ang dila ko”… mga temang ganun…di lang puro “agree”.. “ako din”… ganto… ganyan… wahhhh nakakasawa na din di ba… kontra nman paminsan minsan.. welll comment ko lang din sa mga comment na madalas kong makita at mabasa..
magandang umaga mga mokong! cheerss:)




