Apat na ibat ibang uri ng panahon... tag-lamig, tag-sibol, tag-araw at tag-lagas.. Parang Buhay.. Pabagobago.. paiba-iba!

Home » Post Item » Katok…tok tok..

Katok…tok tok..

November 10, 2008
tok..tok..tok!!!
tao poooo!

Katok… isang bagay na wala akong ideya… hindi ito yung katok na madalas dumapo at bumisita sa utak mo pero ito yung katok na kadalasang naririnig kapag may tao na dumadalaw sa bahay…. madaming uri ng kataok… pero kadalasan ang isang katok ay malakas! na sa sobrang lakas eh kulang nalang na gibain nya ang buong pinto… kasama na mabasag ang bintana at baka pati pundasyun ng bahay eh bumigay pa..

Iba nman ang katok na madalas dumapo sa iyung sobrang laking noo at utak.. kasama na ang ugaling di maipaliwanag at presensyang kinakailangan ng pang-unawa… dahil may katok ka madalas inuunawa ka nila dahil espesyal ka.

Ito pa ang isang uri ng katok na madalas di napapansin… ang pagkatok ng mga bagay-bagay sa iyung buhay… sabi nga nila ang iyung tadhana ay nakasulat na at  ikaw nalang ang gagawa.. pero paanu kung ang pagkatok ng iyung tadhana eh hindi mo namalayan at hindi mo napagbuksan? o ayaw mong pinagbukasan… kelan kaya ulit  sya kakatok? paanu kung sa pagkatok nya eh hindi ka pa handa, sasama ka ba sa kanya?

Ang dami kong tanong na diko alam sagutin para sa sarili ko kaya ako nagtatanung… ang katok ng buhay ba eh, parang naniningil ng utang na kapag hindi mo pinagbuksan eh babalik balikan ka? sana nman… andami ko na kaseng katok na hindi pinagbuksan.. hindi pinansin at tinanggihan.

Posted by kakosa at 3:05 pm | permalink

Previous Comments

Knocking opportunities?

Hindi mo binuksan? Tama namang hindi agad buksan, lalo na kung ‘madilim’ at ‘magulo ang paligid’. Ang mabuting gawin, kapag may kumatok, silipin muna, siyasatin kung ang katok na iyong narinig ay makakabuti o makakasama sa iyo at sa iyong mga minamahal.

Pag positive, buksan! Kung hindi mo nabuksan, at para sa iyo talaga ang kabutihang kumakatok, tiyak babalik at babalik sa iyo yun.

Posted by RJ at November 10, 2008, 3:23 pm

pakatok nga ng magising ka kosa. hehe. :)

Posted by joshmarie at November 10, 2008, 3:27 pm

@RJ.. express ah.. sobrang bilis.. hahaha tama ka nga..pero hindi ako naninilip eh… kapag trip kong buksan pagbubuksan ko.. kung hindi, hindi.

josh.. taena.. kung ikaw ang kakatok, hndi lang kita pagbubuksan.. susunduin pa kita sa gate.

Posted by kakosa at November 10, 2008, 3:34 pm

kanino namang mabalahibong kamay un?

kung lahat ng kakatok eh pagbubuksan baka madali ka ng dugudugugang. . lol

Posted by paperdoll at November 10, 2008, 3:55 pm

ahhmm mukhang ang lalim nito kosa ah… ang pagkakaintindi ko dito ay “kung may kumatok man sa buhay natin, pagbuksan na natin baka di na kakatok ulit yon… pagsisihan pa natin sa bandang huli.”

amen…

Posted by marco at November 10, 2008, 3:57 pm

@paperdoll, kamay ko yan..lolz.. nakakalibog ba?lolz dugudugugang? hahaha kaya nga eh.. takot ako magbukas

Posted by kakosa at November 10, 2008, 3:58 pm

@marco..lolz andyan ka pala.. taena.. malalim na ba? di pa nga masyado eh.. hindi tanung nga lang eh.. kase minsan may mga desisyun na sa huli eh pinagsisisihan.. yung salitang “sana” eh umeepal.

Posted by kakosa at November 10, 2008, 4:00 pm

natawa akoh slight sa comment ni paperdoll ah…kaninong kamay ‘un? hehe.. napansin nya tlgah ang kamay..

to kakosa: napadaan lang muli… hmm… di maka-relate sa katok.. hehe… pero another katok… pag may kumatok nang 3 beses sa haus nyo tapos pagtingin moh ‘la tao… ano ‘un??? hehehe…

till laterz! =)

Posted by diane at November 10, 2008, 5:25 pm

katok..katok…tao po…tao po…namamasko po…

nice post…uu nga nmn..marami talagang uri ng katok…pero ang katok ng buhay depende yun sa pagkakataon, swerte mo na kung babalikan ka pa…pero kung gusto mo ng sigurado…pagbuksan mo na…malay mo si paperdoll pala yun…makikikain…joks…ahehehe….

Posted by SuperGulaman at November 10, 2008, 5:35 pm

katok ng taong humihingi ng aguinaldo :) tokstoks :)

Posted by Myk2ts at November 10, 2008, 6:33 pm

dapat lang na hidi mo pagbuksan ang lahat ng kumakatok kasi hindi ka naman parang karinderya na bukas sa lahat ng gustong kumain. lolz

sa pasko kakatok ako sa inyo. manghihingi ng aguinaldo kaya pagbuksan mo ako ha. hehe

Posted by Yods at November 10, 2008, 6:38 pm

marami ka ng hindi pinagbukasan?sama aku may mare myk2ts mamamasko sayo hehehe pagbuksan mu kaya kami :) dumaan lang dito kosa :)

Posted by yeine at November 10, 2008, 11:22 pm

@diane..lolz… katok? di ka makarelate? baka nman sa katok na madals dumapo sa noo mo ang alam mong katok.. hahaha salamat..

@supergulaman.. talaga? di na bumabalik yung iba? sayang nman… kakatok? si paperdoll? lolz.. lakas daw kumain yun..kakain muna ako bago ko sya pagbuksan..hahaha

Posted by kakosa at November 11, 2008, 6:19 am

@myk2ts..taena… ang hirap basahin ang pangalan mo… ganun? hahaha meri krismas din..

@yods.. di mo na kailangang kumatok kapag makikiaguinaldo… kanta ka na lang.. hindi nman nangangatok ang mga namamasko di ba..

Posted by kakosa at November 11, 2008, 6:22 am

@viene… salamat sa pagsama kay myktots.. hahaha sige pagbubuksan ko kayu… kayu pa!? magdala kayu ng baon ah..at pang-exchange gift

Posted by kakosa at November 11, 2008, 6:24 am

pakatok po. ang papasok? ang poging poging si bagito…

Posted by bagito at November 11, 2008, 8:03 am

minsan kasi, may mga kumakatok sa pintuan natin na hindi natin pinagbubuksan.. minsan, kinatatamaran pa natin.. akala kasi natin ganun pa rin.. walang magbabago.. pero hindi… hindi.. hindi! hahaha juk lang!

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

Posted by fjordz at November 11, 2008, 11:37 am

teka nga, makikibase muna! next time ko basahin,lol mukhang malalim n katok eto eh!lol

Posted by sunny at November 11, 2008, 12:48 pm

@bagito.. wuuuuu.. sige pasok lang ng pasok…

@jfordZ.. ganun? taena.. bat di mo tinuloy? saan bat nakikinig ako sa hinaing mo… hahaha.. salamat sa pansin

Posted by kakosa at November 11, 2008, 1:50 pm

@sunny..ganun? next time mo pa babasahin?lolz… ang ikli-ikli na nga di mo pa binigyan ng 1min. hahaha sige sige..salamat sa base mo.. sinu na nga ba yung isa pang nagsabi tungkol sa malalim na katok na yan? taena.. lalim na ba yan? ni di nga ako nalunod eh

Posted by kakosa at November 11, 2008, 1:54 pm

kosa, hahaha. katok ka talaga… salamat sa pagdalaw sa aking munting blog…

Posted by sagada-igorot at November 11, 2008, 10:46 pm

tuloy….dre! tsk ganun tlga buhay dre…minsan papasok minasan lalabas mga blessings….pero importante may buhay dba?…thank u sa visit ha…tc

Posted by DH at November 12, 2008, 12:28 am

@sagada..lolz salamat sa katok..wag lang masyadong malakas baka magiba itong munti kong kuta…

Posted by kakosa at November 12, 2008, 2:29 am

@dh.. nman pareko.. uu nman.. kahit dugu-dugu ka pa.. hanggang may hininga.. tuloy pa din ang byahe at tuloy pa rin ang pagkatok ng biyaya at kamalasan.

Posted by kakosa at November 12, 2008, 2:30 am

eto,lol! katok! shet, opprtunity kncks only once at your door, thing i shud have known before,lol! dammit! knock knock on the heavens door,lol!!! thre are lots of katok, katok sa opps, katok sa life, katok sa puso, katok sa panguna…dammit,ahahaha! basta sa mga katok n yan sana di pumatok ang utak mo! ahahahaha! shetness na to!
lol

Posted by sunny at November 12, 2008, 12:48 pm

@sun..lolz ganun? only once? sayang nman akala ko pa naman parang naniningil lang ng utang yang mga katoks na yan… kapag di mo pinagbuksan, ikay babalikbalikan..lolz salamat sa pagkatok.

Posted by kakosa at November 12, 2008, 2:23 pm

when opportunity knocks, the best thing is to grab it while you still have the chance :)

peace out!

Posted by ron at November 12, 2008, 11:06 pm

salamat pareng idol..lolz ganun ba? paanu kung di ka pa handa? grab pa rin ng grab? lolz peace out..

Posted by kosa at November 13, 2008, 4:25 am

Sabi nila pag para sau, para sau talaga! So whether napagbuksan mo o hindi, it’s all meant to happen…

Pero syempre where would we want to be is all up to us…

Posted by toni at November 13, 2008, 1:40 pm

@toni..salamat sa pamamahagi ng iyung kwento.. sa uulitin..see you sa gilid gilid

Posted by kosa at November 13, 2008, 5:13 pm

kosa! kumakatok ako. asan ka na? haha.

Posted by joshmarie at November 13, 2008, 10:22 pm

Joshmarie, lols andito lang ako… hahaha bisibisihan.. malapit na ang pasko eh.

salamat sa pagkatok

Posted by kakosa at November 14, 2008, 12:09 pm

ba’t mo kasi di binubuksan?
pano kung grasya yung nasa pinto nyo pala?
pero pag p[rtoblema, pasensya narin lang…
pero mas mabuti kung bubuksan mo na sa susunod kasi baka malaman mo nalng, huli na ang lahat at mapasabi ka nalng, “sana binuksan ko”

Posted by ambrucia at November 15, 2008, 6:22 pm

Add a comment