Usapang Lasheng
November 5, 2008
Buhay lasenggo… bakit ba may mga taong sadyang mahilig sa alak.. yung tipong bibili ng alak na nagkakahalaga ng limang-libong piso sa iisang maliit na bote lang… diko ikinakaila, madalas din akong uminom ng mga inuming nakakalasing yung mga tipong Beer… mga Ram, wiski… tekila… at kung anu anu pa… kahit lambanog(ng taga batanggas)… gin(ng masang pilipino).. Tuba( ng mga mga taga gensan)… Basi(ng mga ilokano).. maging ihi, dugo ng ahas at lason malamang iinumin ko kapag sinabing nakakalasing yan.. at sa makatwid, akoy LASENGGO…
sariwa pa sa aking alala ang mga araw na ako’y nasasapian ng epekto ng mga marka-demonyong de bote na yan! madalas, pakiramdam ko akoy nakukulam, nababarang o anu pa mang ibang tawag dyan.. naiinitan… nahihilo.. nasusuka.. o di kaya nangangati sa di mawaring dahilan.. allergy, libag sa katawan o anu pa man.. pero sige.. tagay.. laklak tuloy-tuloy lang…
madami kang mapapansin kapag ikaw ay nasasapian ng alak na yan.. tumatalas ang yung pandinig.. naririnig mo lahat ng salitang di tama na syang nagsisiklab ng mala-impyernong kaguluhan sa inuman..mala-movie scene… itutumba ang lamesa…itatapon ang mga baso.. bote at lahat ng babasagin para magkaroon ng ingay! maging kaibigan, kamag-anak, kapitbahay o simpleng kakilala lang yan, di yan napapalampas at pinapalaki ang simpleng salita na yan..nauuwi sa tutukan ng baril… habulan ng taga at panaksak… hagisan ng bomba at granada.. murahan… hiyawan na akala mo may labanan sa MGM place at hinihintay ang salitang “fight” mula sa reperee… resulta, duguang muka… ilong… at malamang sa makalakalawa, reresbak ang dehado..
pero ako simple lang kapag lasing at nalalasing… kinig sa music.. chismax to the max pero hanggang dun lang kapag hilong hilo na, pasimple na sa bawat tagay na eentra.. “pass muna ..” pero kung di uubra ang pass na yan, matatapon lang yan sa ilalim ng mesa…halo-halo na yan.. nababasa ang sapatos ni Jun.. umaagos papunta sa kinauupuan ni pareng mike.. at kung saan saan pa.
sa inuman, madalas kong idaan sa boxing (as in pakyawin?) ang mga pulutan.. lalo na kung medyo kalam ang aking sikmura’t pilit ipinapatagay ng pagkapait-pait na alak yan na parang dumaan sa impyerno sa init ng pag-agos sa iyung lalamunan (akala nila nakakatuwa).. bilang ganti at solusyun sa naghihimutok na tyan, upakan ang pulutan… isipin mo nalang KANIN yan! wag sirain ang tyan.. at para sa iilan na di nakakaalam, kpag walang laman ang tyan at sa inuman mapapalaban.. isang tagay palang, patay kang bata ka… may sapi ka na.
well kung alak.. pag-inum o simpleng pagkulekta lang, di nman masama… saan bat mapupunta din yan sa iisang lugar.. sa tyan na madalas umaapaw hanggang utak… ang isipin mo nalang kapag umiinom ka ng mapait, may katapat na magandang pakirandam yan.. yung pagitan ng “hilo” at “katinuan”.. yung kumbaga sa kape eh tamang timpla… dahil kapag nasobrahan yan, isusuka mo din lang… matatapon at masasayang ang alak na nilaklak gaanu man kamahal yan…( as in, sayang naman) .. at hwag ka, isasama pa nya si pulutan… buti nman sana kung di ka pahihirapan… maluha-luha ka pa sa bawat suka… at kapag dinapuan ka ng malas nang kamalasan.. malamang pag-gising mo sa umaga natulog ka pala katabi ang grasya.. isang masaganang suka…
itutuloy...
Previous Comments
hinay hinay lang mate…ingatan ang atay. your future son is counting on you
occasional drinker lang ako. pero hard lang kaya ko. hindi ko kaya beer! nakakasuka! hehehe!
Posted by ron at November 5, 2008, 8:16 pmwow ang haba! ang tindi n mga posts mo bossing! heheheh! maya ko read,lol! based muna!
Posted by sunny at November 5, 2008, 8:42 pmwow… realization…
but remember walang beer sa langit
@rj… hintayin mo nalang yung karugtong… hehe bat k nmn nhihiya sa pamumulutan?
@ron.. haha taena alaga sa liber eyd ang atay ko… tlga lang ah… hard drinker k pla… taena takot ako dun..
Posted by kakosa at November 6, 2008, 12:27 am@sunny.. sige balik k… tpos klik klik lang.. haha
@ambrucia.. tlaga, walang beer sa langit? paanu mu nlaman? makapag-umpisa nga ng negosyo dun magtatayu ako ng beerhouse
Posted by kakosa at November 6, 2008, 12:30 ammagsusulat sana ko nang tungkol sa inuman kaso naunahan moko kaya magpapalipas muna ko ng ilang araw para hindi sawa! baka masuka na sila eh…
nive one bro!
Posted by abe mulong caracas at November 6, 2008, 2:14 amhahaha… Mabuhay ang matador!
Unang tikim ko ng alak na yan na nilagyan yelo. Pakiramdam ko kumakain ako iskrambol. Ang charap charap kasi.
Hindi pa noon uso ipares sa chaser na Nestea, pero tubig lang ang ka-partner swak na swak sa panlasa.
Posted by spiky at November 6, 2008, 3:38 amnaku po! paglashengan ang pag-uusapan… kontrolado ko isip at ang katawan ko… sapagkat pag ikay lasheng na… di mo na alam ang mga pinaggagawa mo…. nakakahiya!!!!
lolz
Posted by marco at November 6, 2008, 10:36 amako din..yoko ng sobrang lasheng kasi nawawala na sa sarili. Dyahi pag nagising na nakahubad na pala hehehe! tsaka, bad to the health yan…pag nagkasakit tumatalbog lahat ng gamot dahil puno ng alcohol ang katawan.
Posted by marites at November 6, 2008, 11:14 am@abemulongcaracas… taena, magsulat ka lang.. the more the merrier.. hahaha..
@spiky… talaga lang ah.. ako din umiinom minsan ng matador.. pero yung ibang brand ng brandy lalo na emperador takot na takot ako kase diko kinakaya ang tama..
Posted by kakosa at November 6, 2008, 4:18 pm@marco.. lolz.. tulad ng sabi ko nasa tao pa rin yan… may mga tao na di na nila alam ang ginagawa nila kapag lasheng na.. pero ako sa awa ni bestfren sa itaas, oks pa nman ako…di nman ako nakakalimot.
@marites… hahaha.. sinu ba nagsabi na ineendorso ko ang paglalasheng ng todo? (lolz..peace) uu nga eh.. di maganda sa katawan ang sobrang alkohol.. pero di nman maganda kung walang wala.. salamat sa angas.. at see you around
Posted by kakosa at November 6, 2008, 4:24 pmkung sabagay, may naitutulong din naman ang paglalasing… may mga nasasabi ka kapag lasing ka na..
saka nagiging malaman din namann ang mga usapan kapag lasing na…
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
Posted by fjordz at November 6, 2008, 4:31 pm@fjordz.. apir tayu dyan pareko.. hahaha.. mismo
Posted by kakosa at November 6, 2008, 4:57 pmnyay sa haba ng binasa kong entry mo para nalasing na din ako ako. lolz
masarap maglasing, basta may kontrol pa sa mga ginagawa at hindi nagmumukang ogag sa sobrang kalasingan.
tara tagay na!
Posted by Yods at November 6, 2008, 10:15 pm@yods.. hahaha ganun na ba kahaba yung sinulat ko at nalasing ka? tatlong daan na salita lang yan.. mukang madame kase malaki yung fonts n ginamit ko..salamat sa pagbisita eniwey
Posted by kakosa at November 7, 2008, 1:27 amparang sanay na sanay sa inuman ah. hehe.
Posted by joshmarie at November 7, 2008, 1:28 amparekoy.. e hindi ba masarap makipag inuman kapag barkada mo ang laging kasama.. tapos.. may makikilalang chix. tapos.. ayun..
hehehehe…
kampay na yan! takte imbis na pa-burger e paimun ka naman! hahahaha
******
pre unang comment ko ata.. pero ndi unang punta sa blog mo… nga pala, napansin ko yung sa blog roll mo… ronturon yung nakalagay pero ibang ron yung link. Kilala ko’t kaibigan yung ron na yun.. si coffin rock, roneiluke. magkaiba kami parekoy. hehehehe
Posted by ronturon at November 7, 2008, 3:27 am@josh.. uu sanay na sanay.. hahaha
Posted by kakosa at November 7, 2008, 3:28 am@ronturon, ahhhndyan ka pala… oo nga pards.. napasin ko din yun… nalilito nga ako eh.. akala ko majik… hahaha kahit basahin mo yung mga epal ko dun sa blog nya…
o sige iibahin ko nalang.. salamat sa isang TAMA
Posted by kakosa at November 7, 2008, 3:31 amweleng enemen kese! beste ekew! hehehe
Posted by ronturon at November 7, 2008, 3:56 am@ron.. taena… oks.. bumalik ka pa talaga ah para lang sabihin yan.. hahaha
Posted by kakosa at November 7, 2008, 4:04 ammasarap basta maraming pagkain…lol…tulad ng chicharon bulaklak, kilawen na kambing at papaitan at ano pba? kainan ata yun nsa isip ko eh…lol…tc
Posted by DH at November 7, 2008, 4:25 am@dh.. haha uu nga yata..kainan yung sinasabi mo, laklakan.. hahah pero pasok na din kase yun yung mga usual na pinupulutan sa inuman..
Posted by kakosa at November 7, 2008, 5:49 amkosa itagay mo nalang yan!!eto alak pa!!!hahahaha!!craan na to nang liver kapatid!lol
Posted by Darkroom at November 7, 2008, 10:57 am@darkroom.. hahaha.. maingat to pare.. naka-liber-eyd.
Posted by kakosa at November 7, 2008, 12:01 pmsabi moh magbasa akoh.. kaya eto nasa page moh akoh at nagbabasa… hehe.. kaso akoh atah lasing kc lasing na akoh antokz kapupuyat sa blogsphere na to… kung nde nga naman adik eh… hmmm…
at least related naman ang comment koh sa post moh.. hehe…
have a nice day!
GODBLESS! -di
Posted by diane at November 7, 2008, 9:30 pmnice day diane.. hahaha.. ganun? welcome sa adek world..salamat sa comment.. godbless you too.
Posted by kakosa at November 8, 2008, 2:56 amocassional drinker ako… pero once napaupo nako sa inuman… asa kang tatayo ako? …no way, kaya kong sumabay hanggang sa pagsikat ng bukangliwayway.
Nung nangibang-bayan ako, feeling ko naging alcoholic din ako pero ngayon, medjo hinay-hinay na muna. Liver Lover Boy ba ngunit sadyang mahirap tanggihan ang isang ma-BOTENG usapan.
Sarap uminom lalo na’t may kasama ang pulutan, tawanan at walang hanggang barkadahan!
*Cheers para future anak mo!
Posted by rehabman at November 8, 2008, 1:27 pm@ronald.. hahaha di ka makatayu kase once na tumayu ka, baka sumubsub ka sa sahig..lolz…
@rehabman.. salamat sa pagbisita pareko.. oo nman isa ang usapang mabote ang hinahanap hanap ko… waaaaaah… cheers sa anak? lolz
Posted by kakosa at November 8, 2008, 1:46 pmdi ako puwedeng makitungga ng gin-a alajar. GRO na lang ako.
Posted by littlegapanese at November 8, 2008, 4:09 pm@littlegapanese.. ganun? di ba kasama yun sa traBAHO mo..lolz
Posted by kakosa at November 8, 2008, 4:37 pmwhoa! finally, got the time to read this post…hmmm im lookin for something different but same bland story about drinkin spree na nmn,lol but it reminds me of my drinking session with my barkada or with myself (when the rundown life hits me)…so with that effect, thumbsUps na rin! haroo haroo! keep on rocking! btw, puto got my vote!
Posted by sunny at November 9, 2008, 2:09 pmsunny boy.. salamat sa pinilit na thumbs up! lols.. hayaan mu na muna to… di pa nakakabwelo.. sa susunod na taon mga malalalim na topic na pagtutuunan ko ng pansin..
Posted by kakosa at November 9, 2008, 3:49 pmnakikibasa lang po sa post nyo…
astig kasi ung lashengan eh, medyo nakakarelate ako..
pwede bang maging one of ur inmates? tnx
taena.. marvs.. sige siksik kita sa mga nakakulong kasaama ko
Posted by kakosa at November 10, 2008, 5:19 am




Huhmn, malakas palang uminom si kakosa, pero mabait naman pag nalasing. Talagang malamig kasi sa Maple Country!
Pareho tayo, idinadaan ko rin sa boxing ang pamumulutan. Nahihiya nga ako minsan…
Ano kaya ang karugtong ng isyung ito?!
Posted by RJ at November 5, 2008, 6:12 pm