letter FROM my future son
November 4, 2008babala: walang kwenta
DadiKosa,
nabasa ko ang blog mo…may pablag-blog ka pa ah… buti nalang madaming epal dito..nabasa ko agad. sobra akong nagagalak, natutuwa, nasisiyahan at naliligayan sa mga bagay na aking nabasa.. sa sinabi mo na igagalang mo lahat ng magiging desisyun ko, ngayun pa lang nagpapasalamat na ko… at sanay iyung tandaan: WALA NG BAWIAN… ang sarap malaman na my mga activities ka na palang inihahandang gawin paglabas ko. maglalaro ng footbol, mgpapansit at kung anu anu pa..pero sayang dimo nsabi na tuturuan mu din akong suminghot ng pandikit at maghalukay ng basura sa payatas… o di kaya mangholdap, mandukot at mandugas… sabi nila special talents ang mga yun… at dahil special ako, kailangang matutunan ko yun…
wow naman… kamag-anak ba natin si madam auring at nakikita mo sa hinaharap na iskwater boy ako in the making? hehehe… kaskaserong driver at kung anu anu pa… thats a sign na gifted lahi natin… si mamiko, araw-araw linulunok ang bitaminang kasing laki ng bato ni darna…sumisigaw din ba sya ng “BITAMINAaaa NA.. NA.. NA..!!!”? (may eko) at ngayun ikaw nman, nadiscover mo na potential manghuhula ka pala… tara, kuha tayu ng pwesto sa baklaran o di kaya sa quiapo…
alam ko cool kang dadi.. at ganun din nman akong baby! susundin ko lahat ng sinabi mo… at kung may mambully sa akin sa school paglaki ko,hindi ako magsusubong syu, kay mamiko, kay titser perry… o kung kanikanino pa.. wala akong aaksayahing oras at tatarakan ko agad ng bagong tasang lapis sa mata.. babait yun panigurado… (wow..turo yan ni dadiko:p) oo nman dadi kita eh.. hindi kita tatablahin, aangsan lang kita… junior nga eh..alam ko malaki ang ekspekteysyon nyo sa akin… at kung magkaproblema man tyu dun… siguradong masaya yun…. habulan ng taga sa umaga… tutukan ng panaksak sa tanghali at maghahagisan ng granada at bomba sa gabi! (wow fireworks!!!) magandang sport yun! pampapawis… tulad nga ng sabi sa commercial, hindi lang pampamilya, pang-sports pa! kumbaga, panghimagas(dessert) o pampagana(appetizer) ng buhay yan..
Isa lang sana sa mga kahilingan ko ay parang ayaw kong lumaki sa social awareness… baka nman daigin ko pa si kampanerang kuba sa laki ng pasan kong problema sa likod kung sakali… andami kayang problema ang pinas… terorista, ekonomiya, politika, pati na ang relihiyon… unemployment, edukasyon, jueteng at kurakot sa gobyerno, basura, pagbaha, pati ba nman pagdating ng bagyo, lindol,pagsabog ng bulkan, paglobo ng populasyon, kahirapan, same sex marriage, premarital sex at mamdami pang iba pero diko na sasabihin lahat… baka naman mauna pa akong tumanda sa inyu ni mamiko…
with regard to dede matters, walang problema dun… sayu ang kanan, akin ang kaliwa.. hehehe.. kakatuwa nga yun eh.. yaan mo kapag nagkaroon din ako ng bebeko o kahit gf lang se-share ko din yung kaliwa nyang dede para nman mabayaran ko yung kabutihang loob na pagse-share mo sa akin ng kaliwang dede… and take note.. bilang pagtanaw ng utang na loob, kasama na interest… sisiguraduhin kong di mu na kailangan pang pumihit ng iyak para paglabasan ang dede… di ba ganun nman ang gintong aral, share what you have.. hehehe
oo naman… asahan mong magiging masaya ang pagdating ko sa mundo.. di ko nga lang alam kung kelan.. surpriseeeee… pagkat kasama ng padating ko, mawawalan ka na ng time sa blog mo… time sa hapihapi at labinglabing… maiinis sa iyak ko, sa pagiging demanding ko, sa time at attention na aagawin ko kay mamiko atbp..
ay tengchu.. baw!
Previous Comments
@ron.. hindi pa nman.. hahaha ambilis mo ah 2mins pa lang andito ka na agad
Posted by kakosa at November 4, 2008, 11:50 amhindi nga? magiging dadi ka na? nyahahaha. . kaya pala aborido ka:-D
Posted by M-papel at November 4, 2008, 12:11 pmonga feeling ko magiging dadi na yan… hmm pwede ba kaming ninang?
Posted by Myk2ts at November 4, 2008, 12:13 pm@m-papel, di pa nga eh… aborido? di nman medyo lang…kulang sa tulog
Posted by kakosa at November 4, 2008, 12:15 pm@myk2ks, hindi pa nga eh..walang kwenta tong post ko.. hahaha ang daming”?”.
Posted by kakosa at November 4, 2008, 12:16 pmang haba,lol! maya ko basahin..makikibase lang!
Posted by sunny at November 4, 2008, 1:10 pmsani, lolz… babala nga eh.. alang kwenta
Posted by kakosa at November 4, 2008, 1:32 pmMagandang background ito ng isang kosang magiging daddy na! (Lalo para sa aking ngayon lang napadpad dito sa Four Seasons.)
Congratulations!
Posted by RJ at November 4, 2008, 4:27 pmtaena..
@marco
uu nga eh… di lang certified… lisensyado pa
@RJ… perstaym mu ba? ahh welkam sa kaguluhan pareko…
Posted by kosa at November 4, 2008, 4:41 pmi didn’t read the entire entry coz i’m in a hurry. tama ba ang nabasa ko? letter to ur future son? on the way si gf/wifey? hehe. just dropped by… gotta run!
Posted by joshmarie at November 4, 2008, 8:19 pmumeepal lang… tagala lang ah..
Posted by bagito at November 5, 2008, 3:20 amlike father like son? lol..tc
Posted by DH at November 5, 2008, 5:03 amjosh, bagito, DH
thanks sa epal.. may babala nman sa taas di ba.
ok ok ok. di na kami magnininang
huhu
taena parekoy ang galing nito…
makulet ang style very contemporary…kaka belib
mukang madadalas ako dito…add kita ha
Posted by abe mulong caracas at November 5, 2008, 8:41 amang bait nyo namang ma-ama…. sharing sa lahat at tumatanaw pa ng utang na loob…
i think u will be a very good father to him…
kaya lang di pa siya nagkakabuhay, parang naka ready na sya sa kalokohan ah…
@ myk2ts… tampo tampo ba yan?
@amc pwede din ba kitang i-add? salamat sa papuri.. ako nga nasusuka sa post kong ito eh…
Posted by kakosa at November 5, 2008, 3:27 pm@abrucia, andyan ka pala… haha sensya na na… ganun lang ako dito sa totoong buhay, seryoso to.
Posted by kakosa at November 5, 2008, 3:29 pmnope:)
Posted by Myk2ts at November 6, 2008, 10:01 am@myk2ks, salamat nman.. akala ko mawawalan na ko ng isang idol at kakulitan sa blaging
Posted by kakosa at November 6, 2008, 4:03 pmkosa ttay kana?hahaha, anu ba tlga?pero ung anak mo ha!mukhang magging druglord yan,lol eh d pa nga nabubou eh may letter nang nlalaman,hahahha.
Posted by Darkroom at November 7, 2008, 11:03 amganda naman ng letter ng future son mo hehe
Posted by faye at November 15, 2008, 5:22 am




magiging dati ka na ba? wow…
Posted by ron at November 4, 2008, 11:45 am