alsabalutan…kitakits
November 15, 2008
paraaaaaaa…. mamang drayber, pwede bang makisakay?
nakahanda na ako… ilang araw na din akong nakapag-isip.. lalayas na ako sa kulungan kong ito.. sa pinakahuling upadate kase ng korte suprema, kasali ako sa biniyayaan ng parol para sa paskong ito.. kaya bago pa man dumating ang pasko, papalayain na ako para nman makatipid ang gobyerno sa mga pagkain na binibigay sa akin…
Sa ilang araw kong pagpupuyat… pagsusunog ng kilay.. as in talagang naubos at nagtutung na ang malago at alaga sa gugo kong kilay, hindi ko pa rin talaga masundan ang pagmamanipula ng html at css… ilang beses kong inulit-ulit yung mga video clips na nagtuturo kung paano paganahin ang html at css… limpak-limpak na din ang naresearch ko patungkol sa html at css… pero wala pa ring epekto… hindi ko pa rin magawa ng tama ang mga bagay na gustu kong gawin sa testblog ko sa blogspot, kung saan pinaplanong maglipat istasyon.
bakit ba kase ako lilipat eh oks nman itong payak kong istasyu dito sa i.ph?(… ba? lols)
sagot: kase madami na akong natanggap na sumbong reklamo at batikos patungkol sa mga verification word na nakaharang sa mga bisitang nais mag-abot sa akin ng pera, puna… batikos, epal, mala-kaluluwang paramdam, limos, pagkain at kung anu anu pa….
bakit ka kase dito sa i.ph kumuta eh alam mo nman na baguhan lang sila?
sagot: dito ako kumuta kase alm kong walang html dito at para my rason ako para hindi na pagandahin ang aking layout.. kase wla nman talagang layout ang i.ph.. instant na to.. wala kang dapat mae-edit tanging ang mga gadgets ang iyung idadagdag kasama na yung kwento mo.
bakit ka pa sa blogsppot lilipat eh andyan nman ang iba pang bansa tulad ng wordpress, livejournal, atbp?
sagot: ehhh gustu ko ng sa blogspot eh.. paki mo.. lolz. kase, ganito yun… unang una, blogspot ang pinakamalapit sa puso ko kase halos lahat ng tao dito sa aking istasyon eh nakabase sa blogspot… pangalawa… may account din ako sa wordpress pero hindi ako nasisiyahan dun kase ang hirap ilagay yung mga bagay na gusto kong ilagay isang halimbawa ay ang paglalagay ng traffic at cbox.. hindi ko magawa..palyado yung cbox nila dun.
noong mga nakaraang araw, hindi ko na maalala kung kelan yun, lumapit ako sa isang mala-rosa rosal na gumagawa ng kawang gawa para sa tulad kong walang alam sa html at css… pero sa dami naman yata ng nangangailangan ng tulong ay kilokilometro pa yata ang lalakarin ko bago ko pa man marating ang unahan ng pila.. pero umaasa pa rin ako na nakakarating din ako sa unahan ng pila at matatanggap ang aking maagang pamasko galing sa kanya… ninong daw nya si santa eh, kaya sabi ko baka nman pinadala sa kanya ni santa yung regalo ko para sa pasko… kung alam lang sana ni santa ang magmanipula ng html at css eh di sana milyng milyung lableter na sana ang ibinato ko sa kanya..
pero sabi nga ni kosa.. HANDA na kong lumaya.. at sa aking paglaya, dun ko gagawin ang mga makabuluhang bagay.. hindi lang puro paglalasing… pakikirayut… pakikipagtalo at mga walang kwentang pagkatok…
alam ko ang nasa isip mo, saan ba ako lilipat? magandang tanung yan… tinawagan ako nga eybee-es-seebee-en pero hindi ko pinatulan ang kanilang gusto… umepal din nman ang gee-em-ey pero ayoko din… magulo dun.. tama na yung manahimik na ko sa panibago kong sariling istasyon…
sundan mu to tapos, add mo na din ako sa blogroll mo.. oks ba?.salamat…
Katok…tok tok..
November 10, 2008Katok… isang bagay na wala akong ideya… hindi ito yung katok na madalas dumapo at bumisita sa utak mo pero ito yung katok na kadalasang naririnig kapag may tao na dumadalaw sa bahay…. madaming uri ng kataok… pero kadalasan ang isang katok ay malakas! na sa sobrang lakas eh kulang nalang na gibain nya ang buong pinto… kasama na mabasag ang bintana at baka pati pundasyun ng bahay eh bumigay pa..
Iba nman ang katok na madalas dumapo sa iyung sobrang laking noo at utak.. kasama na ang ugaling di maipaliwanag at presensyang kinakailangan ng pang-unawa… dahil may katok ka madalas inuunawa ka nila dahil espesyal ka.
Ito pa ang isang uri ng katok na madalas di napapansin… ang pagkatok ng mga bagay-bagay sa iyung buhay… sabi nga nila ang iyung tadhana ay nakasulat na at ikaw nalang ang gagawa.. pero paanu kung ang pagkatok ng iyung tadhana eh hindi mo namalayan at hindi mo napagbuksan? o ayaw mong pinagbukasan… kelan kaya ulit sya kakatok? paanu kung sa pagkatok nya eh hindi ka pa handa, sasama ka ba sa kanya?
Ang dami kong tanong na diko alam sagutin para sa sarili ko kaya ako nagtatanung… ang katok ng buhay ba eh, parang naniningil ng utang na kapag hindi mo pinagbuksan eh babalik balikan ka? sana nman… andami ko na kaseng katok na hindi pinagbuksan.. hindi pinansin at tinanggihan.
Usapang Lasheng
November 5, 2008
Buhay lasenggo… bakit ba may mga taong sadyang mahilig sa alak.. yung tipong bibili ng alak na nagkakahalaga ng limang-libong piso sa iisang maliit na bote lang… diko ikinakaila, madalas din akong uminom ng mga inuming nakakalasing yung mga tipong Beer… mga Ram, wiski… tekila… at kung anu anu pa… kahit lambanog(ng taga batanggas)… gin(ng masang pilipino).. Tuba( ng mga mga taga gensan)… Basi(ng mga ilokano).. maging ihi, dugo ng ahas at lason malamang iinumin ko kapag sinabing nakakalasing yan.. at sa makatwid, akoy LASENGGO…
sariwa pa sa aking alala ang mga araw na ako’y nasasapian ng epekto ng mga marka-demonyong de bote na yan! madalas, pakiramdam ko akoy nakukulam, nababarang o anu pa mang ibang tawag dyan.. naiinitan… nahihilo.. nasusuka.. o di kaya nangangati sa di mawaring dahilan.. allergy, libag sa katawan o anu pa man.. pero sige.. tagay.. laklak tuloy-tuloy lang…
madami kang mapapansin kapag ikaw ay nasasapian ng alak na yan.. tumatalas ang yung pandinig.. naririnig mo lahat ng salitang di tama na syang nagsisiklab ng mala-impyernong kaguluhan sa inuman..mala-movie scene… itutumba ang lamesa…itatapon ang mga baso.. bote at lahat ng babasagin para magkaroon ng ingay! maging kaibigan, kamag-anak, kapitbahay o simpleng kakilala lang yan, di yan napapalampas at pinapalaki ang simpleng salita na yan..nauuwi sa tutukan ng baril… habulan ng taga at panaksak… hagisan ng bomba at granada.. murahan… hiyawan na akala mo may labanan sa MGM place at hinihintay ang salitang “fight” mula sa reperee… resulta, duguang muka… ilong… at malamang sa makalakalawa, reresbak ang dehado..
pero ako simple lang kapag lasing at nalalasing… kinig sa music.. chismax to the max pero hanggang dun lang kapag hilong hilo na, pasimple na sa bawat tagay na eentra.. “pass muna ..” pero kung di uubra ang pass na yan, matatapon lang yan sa ilalim ng mesa…halo-halo na yan.. nababasa ang sapatos ni Jun.. umaagos papunta sa kinauupuan ni pareng mike.. at kung saan saan pa.
sa inuman, madalas kong idaan sa boxing (as in pakyawin?) ang mga pulutan.. lalo na kung medyo kalam ang aking sikmura’t pilit ipinapatagay ng pagkapait-pait na alak yan na parang dumaan sa impyerno sa init ng pag-agos sa iyung lalamunan (akala nila nakakatuwa).. bilang ganti at solusyun sa naghihimutok na tyan, upakan ang pulutan… isipin mo nalang KANIN yan! wag sirain ang tyan.. at para sa iilan na di nakakaalam, kpag walang laman ang tyan at sa inuman mapapalaban.. isang tagay palang, patay kang bata ka… may sapi ka na.
well kung alak.. pag-inum o simpleng pagkulekta lang, di nman masama… saan bat mapupunta din yan sa iisang lugar.. sa tyan na madalas umaapaw hanggang utak… ang isipin mo nalang kapag umiinom ka ng mapait, may katapat na magandang pakirandam yan.. yung pagitan ng “hilo” at “katinuan”.. yung kumbaga sa kape eh tamang timpla… dahil kapag nasobrahan yan, isusuka mo din lang… matatapon at masasayang ang alak na nilaklak gaanu man kamahal yan…( as in, sayang naman) .. at hwag ka, isasama pa nya si pulutan… buti nman sana kung di ka pahihirapan… maluha-luha ka pa sa bawat suka… at kapag dinapuan ka ng malas nang kamalasan.. malamang pag-gising mo sa umaga natulog ka pala katabi ang grasya.. isang masaganang suka…
itutuloy...
letter FROM my future son
November 4, 2008babala: walang kwenta
DadiKosa,
nabasa ko ang blog mo…may pablag-blog ka pa ah… buti nalang madaming epal dito..nabasa ko agad. sobra akong nagagalak, natutuwa, nasisiyahan at naliligayan sa mga bagay na aking nabasa.. sa sinabi mo na igagalang mo lahat ng magiging desisyun ko, ngayun pa lang nagpapasalamat na ko… at sanay iyung tandaan: WALA NG BAWIAN… ang sarap malaman na my mga activities ka na palang inihahandang gawin paglabas ko. maglalaro ng footbol, mgpapansit at kung anu anu pa..pero sayang dimo nsabi na tuturuan mu din akong suminghot ng pandikit at maghalukay ng basura sa payatas… o di kaya mangholdap, mandukot at mandugas… sabi nila special talents ang mga yun… at dahil special ako, kailangang matutunan ko yun…
wow naman… kamag-anak ba natin si madam auring at nakikita mo sa hinaharap na iskwater boy ako in the making? hehehe… kaskaserong driver at kung anu anu pa… thats a sign na gifted lahi natin… si mamiko, araw-araw linulunok ang bitaminang kasing laki ng bato ni darna…sumisigaw din ba sya ng “BITAMINAaaa NA.. NA.. NA..!!!”? (may eko) at ngayun ikaw nman, nadiscover mo na potential manghuhula ka pala… tara, kuha tayu ng pwesto sa baklaran o di kaya sa quiapo…
alam ko cool kang dadi.. at ganun din nman akong baby! susundin ko lahat ng sinabi mo… at kung may mambully sa akin sa school paglaki ko,hindi ako magsusubong syu, kay mamiko, kay titser perry… o kung kanikanino pa.. wala akong aaksayahing oras at tatarakan ko agad ng bagong tasang lapis sa mata.. babait yun panigurado… (wow..turo yan ni dadiko:p) oo nman dadi kita eh.. hindi kita tatablahin, aangsan lang kita… junior nga eh..alam ko malaki ang ekspekteysyon nyo sa akin… at kung magkaproblema man tyu dun… siguradong masaya yun…. habulan ng taga sa umaga… tutukan ng panaksak sa tanghali at maghahagisan ng granada at bomba sa gabi! (wow fireworks!!!) magandang sport yun! pampapawis… tulad nga ng sabi sa commercial, hindi lang pampamilya, pang-sports pa! kumbaga, panghimagas(dessert) o pampagana(appetizer) ng buhay yan..
Isa lang sana sa mga kahilingan ko ay parang ayaw kong lumaki sa social awareness… baka nman daigin ko pa si kampanerang kuba sa laki ng pasan kong problema sa likod kung sakali… andami kayang problema ang pinas… terorista, ekonomiya, politika, pati na ang relihiyon… unemployment, edukasyon, jueteng at kurakot sa gobyerno, basura, pagbaha, pati ba nman pagdating ng bagyo, lindol,pagsabog ng bulkan, paglobo ng populasyon, kahirapan, same sex marriage, premarital sex at mamdami pang iba pero diko na sasabihin lahat… baka naman mauna pa akong tumanda sa inyu ni mamiko…
with regard to dede matters, walang problema dun… sayu ang kanan, akin ang kaliwa.. hehehe.. kakatuwa nga yun eh.. yaan mo kapag nagkaroon din ako ng bebeko o kahit gf lang se-share ko din yung kaliwa nyang dede para nman mabayaran ko yung kabutihang loob na pagse-share mo sa akin ng kaliwang dede… and take note.. bilang pagtanaw ng utang na loob, kasama na interest… sisiguraduhin kong di mu na kailangan pang pumihit ng iyak para paglabasan ang dede… di ba ganun nman ang gintong aral, share what you have.. hehehe
oo naman… asahan mong magiging masaya ang pagdating ko sa mundo.. di ko nga lang alam kung kelan.. surpriseeeee… pagkat kasama ng padating ko, mawawalan ka na ng time sa blog mo… time sa hapihapi at labinglabing… maiinis sa iyak ko, sa pagiging demanding ko, sa time at attention na aagawin ko kay mamiko atbp..
ay tengchu.. baw!
sarabo kosa
November 1, 2008
Pagbabalik… kadalasang ginagawa ng mga taong umaalis… matapos ang mahabang pagmumuni muni… pagiisa… pagiisip at pagtimbang sa mga bagay-bagay at paghanap sa tunay na ninanais at makakapagpasaya sa bawat araw na ilalagi pa dito sa mundo.. dahil undas, kasabay ng pagpanhik ng mga kaluluwang ligaw mula sa sementeryo… ako din ay babangon sa aking kinasasadlakan…pabalik sa aking pinagmulan..waw.. sa aking madalas ipantasya… daig ko pa ang tinatakam na daga sa katiting na keso… ganun ako kaeksayted magbalik..(nawala ba ako?)
I officially declare… IM BACK! hindi ako galing sa bakasyon.. sa pakikipagtanan… nag-abroad… naglayas o sa simpleng umistokwa (na madalas gawin ng mga bata) lang… basta IM BACK hehehe… isang masigabong palakpakan nman dyan! salamat sa naka-miss sa akin.. (meron ba? taas ang kamay..)
matapos magnilay-nilay… magmukmok at magkunwaring tulog.. gising na si KOSA! feeling at HOME! adik na adik pa rin… hilong hilo sa kakaisip… sa simpleng kwentuhan with evol.. (asan na blog mo?) ganun din kay Guro Sunny naliwanagan ang inaagiw kong kaisipan… namutawi ang binubulong ng aking utak at konsensya.. miss ko na din kayo… gusto ko ng bumalik…
matapos akong apak-apakan.. bugbugin.. tadyakan… at api-apihin… madami ang naawa.. makisimpatya.. at nagbigay suporta sa akin… pero sa lahat ng naningkit… dumura… nagtaas ng kilay.. nangutcha.. gumamit ng kilikili power.. nagtago sa dilim at walang mukang maipakita.. isang karmang tadyak sa muka ang wish ko para sa inyu.. sana naman malasap ninyu ang lahat ng kahihiyan at kadramahan na binigay nyu sa iba(at ako yun)..dahil aping api ako.. wala akong kalaban laban… nasa akin ang tiwala at puso ng madla…(joke lang) gaya ng madalas mapanood sa Tv.. ang bida ay inaapi sa umpisa hanggang sa kalagitnaan… ngunit sa huli, nangingibabaw pa rin ang Bida..
at dahil magbabalik na ako… asahan ninyu na guguluhin ko ulit ang inyung mga mundo… eepal sa mga chatboxes ninyo… huhulaan kayu ng libreng libre.. pangingitiin ang inyung malulungkot na umaga… kikilitiin ang inyung mga kilikiling mamasamasa.. kukwentuhan ng walang kakwenta-kwenta… aaksayahin ang mga oras at syempre susuportahan ang inyung mga kwelang pakulo.. o maging pangkabuhayan pa man yan, asan nyu ang aking suporta. bwahahaha…
tagay mga kosa
click here:





