Apat na ibat ibang uri ng panahon... tag-lamig, tag-sibol, tag-araw at tag-lagas.. Parang Buhay.. Pabagobago.. paiba-iba!

Home » Archives » October 2008 » Page 2

muymuy palaboy

October 16, 2008

 babala:

isa po itong walang kwenta

ang inyung matutunghayan ay wala pong kinalaman sa istasyun na ito… patnubay ng magulang ay kailangan

nakilala ko lang sila sa internet…. bago pa man sila makita at mapanood sa bubble gang na regular, nakikita ko na sila sa youtube.. bale diko lang sila pinapansin nung una pero dahil sa kulit at lupit nila sa bawat video nila natutunan ko na silang mahalin… dahil dito isang pagpupugay sa muymuy palaboy!…lol

pinakagusto kongbahagi yung 2:30-2:40

Posted by kakosa at 4:31 am | permalink | comments[4]

happy thanks giving day!

October 13, 2008

Happy thanks Giving Day!

ilang Turkey na naman ang masisintensyahan? ilang Pabo na nman ang magsasakripisyo para lang mairaos ang espesyal na araw na to para sa mga canadian at mga north american…lol sa Thanks Giving Day, ang Turkey ang katumbas ng Keso De Bola sa Noche Buena ng pinoy…miss ko na ang pinas pero dahil nandito ako, malayu sa pinas, pinagtityagaan ko na ang kakaboring na pagdiriwang ng mga tao dito.. 

well, kung sa title ng post na to ang pagbabasehan, theres so much things to be thankful nga nman… wala mang gantong okasyun sa pinas, alam ko araw araw katulad ko din kayu na di nakakalimut magpasalamat kay bestfren sa itaas… magpasalamat sa lahat ng bagay na dumating sa buong araw… magreklamo at humiling ng kung anu anu.. pero sana nga lang thanks giving day man o hindi matuto pa rin tyung magpasalamat sa mga simpleng bagay na binigay sa atin… katulad ng goodhealth at peace of min… pagkat hindi binibigay ni Lord lahat ng gusto natin, bagkus kung anu ang Kailangan natin… naniniwala ako na lahat ng bagay dumadating sa tamang oras…kasabay ng pagsisikap at tamang diskarte:] cheers mokong!

Posted by kakosa at 11:14 am | permalink | comments[5]

Rosaryo ni POgi

October 12, 2008

   Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Black rosary sa buwan ng oktubre (nagnonobena araw araw most of the time a amin nun gabi o di kaya hapon kase mainit sa tanghali - at pinagpapasa pasahan ang rebulto ni mama meri para manirahan ng isang gabi sa kani kanilang bahay. nais kong  ibahagi ang isang nakakatuwang kwento sa inyu…medyo may kinalaman din ito sa litrato na nakalagay sa kanan… ahhhh kaliwa pala… yan kase yung simbahan nmin sa bayan namin… patron namin si ewan ko kung sinu, basta ang pangalan ng simbahan namin, OUR LADY OF IMMACULATE CONCEPTION at panatiko talaga ang mga tao sa amin kung ang paguusapan ay rosaryo at si Mama Meri…

 ito ang kwento:

 

Linggo. halos labasan ako sa tuwa sa panonood ng “simpsons” sa starworld. sa wakas ay may keybol na rin tong isang TV dito sa taas sa family room. mga labinlimang minuto na ring akong nakatunganga sa harap ng antigong TV nang biglang isang talsik-laway na sutsot ang narinig ko sa baba…

“Baba ka na! magsisimula na!”

ano daw yon? ah, siguro kakain na. medyo nagrerebolusyon na rin ang bituka ko kayat minabuti ko nang bumaba.

ano to?!

anim na matatandang babae at nangangamoy “tina” na tinatawag collectively as Mother Butlers at dalawang naghahagikhikang dalaginding na malamang sa pagtanda ay magiging miyembro na rin nila ang nagkikikislot-kislot sa kanilang mga kinauupuan ang tumambad sa paningin ko.

“O! etong rosaryo mo! ikaw ang first mystery ha!” sabay abot ng nanay ko sakin ng black rosary. inabot ko yon ng may takot sa likod ng isip ko na baka mangisay ako sa oras na dumampi yon sa balat ko… hindi naman.

oo nga pala. last day ngayon ng estatwa ng Virgin Mary sa bahay namin. ewan ko ba kung bakit napagawi sya sa aming bahay gayong hindi naman relihiyoso ang pamilya namin (maliban na lamang sa nanay ko na paminsan-minsan ay nagsisimba).

Okey lang naman sakin ang ganon pero namaaaaaan… kailangan pa bang ako ang mag-lead ng dasal e ni “oh my god” lamang e di ko pa ma-memorize. (teka bago ako magpatuloy, di po ako atheist; naniniwala ako kay God pero sa mga rebulto, hindi. di ba yung mga rebulto kapag nabasag ginagawang chalk. ganun ata yun. pero katoliko ako by default)

nagsimulang magdasal ang nanay ko habang ang mga matatandang ale naman ay nangagsipikit na parang kinakalikot ang kanilang mga ano ng isang mahiwagang kamay. hinagilap ko naman agad ang prayer book na dala-dala nila at nagpa-panic kung ano nga ba ulet ang first glorious mystery. grade 1 pa ko nung huli ko itong gawin. tutal nakapikit naman sila eh di naman nila ako makikitang di magkandatuto sa paghahanap ng unang misteryo… ayun! resurrection!

“… deliver us from evil, amen… uh-urmmm…A-men!…Psst.. A-men na, ikaw na!”

ah oo nga pala… yun na yung cue ko… “The first Mystery of the Glorious Mystery…(teka parang mali ata)… The Mystery of the Rosary is Gloriously the First… (naku, pano ba to)… The First Mystery is the Resurrection…ehem… Glorious Mystery”

Mas malagkit pa sa inihaing kakanin ng nanay ko ang mga butil ng pawis na tumatagaktak sa katawan ko habang sinasambit ang mga dasal na sana’y ni-rehearse ko muna bago magsimula.

“Hail Mary full of Grace… of thy womb Jesus… Holy Mary, Mother of…” ay ganun pala yun. dapat pala titigil na ko sa of-thy-womb-Jesus tapos sila na ang magpapatuloy. hmmm, madali lang pala e. sabihin ko lang ng sampung beses tapos solb na ko. ate ko naman ang second mystery.

pero teka! ano na yung next prayer matapos magpaulit-ulit ng sampung Hail Mary (na hindi ko makuha ang point kung bakit dapat ulit-ulitin. di naman siguro bingi ang dinadasalan namin)… ah Glory be. chicken! alam ko to. “and to the Holy Spirit..” syempre this time, alam ko nang dapat tumigil na ko dahil sila na ang magapapatuloy ng “… as it was in the beginning…”.

Tapos na ang Glory Be. 2nd mystery na ba? hay sana naman dahil ayoko nang magpatuloy pa.

“Hoy! Ejaculation na!” sabi ng nanay ko.

“HA? Pakiulit nga?!” tama ba yung narinig ko Ejaculation daw? of Mama Mary? Ano ba to? Muntik na kong magbaba ng shorts ko sa harap ng rebulto kung hindi pa itinuro ng ate ko ang nakasulat sa prayer book. Oo nga naman ejaculation nga. pero naman… sa dinami-dami ng words bakit yun pa. sus. yun pala yon. enweis wala na kong magagawa dun…

tapos na ang part ko sa pagli-lead ng prayer. tapos na ang first mystery. minabuti ko na lamang na manahimik sa isang sulok at makinig sa mga kapamilya ko na siya namang sumunod sakin…2nd…3rd..4th… hanggang 5th mystery.

tapos na ang rosary. ililipat na sa ibang bahay ang estatwang gawa sa chalk. syempre, alangan namang yung matatanda ang magbubuhat ng poon kaya ako na lang ang “ini-volunteer” (tsk tsk tsk) ng nanay ko para magdala noon. hawak hawak ko na si mama mary palabas ng gate ng biglang may kung anong mahiwagang mga boses ang umalingawngaw sa aking likuran… anak ng pu–… kundi ka ba naman sinuswerte talaga, oo. habang naglalakad ako ng marahan sa gitna ng kalye ay may pulutong ng mga de-kandilang mga menopause ang nag-e-escort sakin papunta sa bahay na paglilipatan habang kumakanta ng makabagbag-damdaming - “araw-araw kay Maria, kami ay nagdarasal…”

next time, kung sakaling may ganitong okasyon uli, mag-pa-practice muna ko para di na ko magmukhang tanga sa harap ni Mama Mary. sa pagkakataong yon, alam ko na na ang ejaculation pala ay pwede rin habang nagrorosaryo. at dapat ko ring tandaan na wag pumayag kung sakaling “i-volunteer” ka ng nanay mo na magbuhat ng santo. nakakakilabot.

 

copied from; http://pogingpayatot.blogspot.com

Posted by kakosa at 2:43 pm | permalink | comments[5]

Fall for You (again)

October 8, 2008

 

hindi na nga talaga mapipigilan ang pagdating ng tag-lagas… tulad ng pinagdadaanan ng isang tao, dumadaan sa mga panahon na pakiramdam mo wala nang bukas… wala ng pag-asa at wala ng ibang makakasama sa buhay kundi hirap, luha at lumbay…

masarap mabuhay nang may kasamang panget at di masyadong masasaya… hindi mo maaappreciate yung mga bagay na masasaya kung walang malulungkot.. dimo makikita yung kaibahan ng maganda kung walang mga panget…

 ang pagdating ng tag-lagas ay nagpapakita na ang panahon ay nagbabago… mawawala man ang mga bagay na  inaasahan mo at inaakala mong permanente na sayo, pero panandalian lang yung… nauubos ang lahat ng meron ka sa panahon ng tag-lagas… dumadating ang malamig at malungkot na buhay ng tag-lamig pero bubuhos nman ang biyaya sa tag-sibol.. babalik ang matitingkad na bulaklak at dahon… kasunod ng pagbibigay ng mainit na yakap ni inang araw sa tag-init.

APAT NA PANAHON… Buhay nagbibigay kulay at Buhay..

kinig na…

 

Posted by kakosa at 12:15 pm | permalink | comments[10]

HAPPY BLOGGING

October 5, 2008

sa mga oras na to, natututunan ko nang magustuhan ang blogging… salamat kay pareng keno.. sa simpleng pagtambay sa site nya dati…kinig music at makipagkulitan sa chatbox nya, napilit nya akong gumawa ng sarili kong site…at ngayun nga, wala pang isang buwan ‘tong site ko pero humakot na yata ng award sa iisang award giving buddy..lol
and i want to take this opportunity to thank you buddy for all the awards…hehehe without pareng keno walang akong award na ganto..lol

nung una, naisip ko sinu nman kaya nga magbabasa sa mga walang kwenta kong isusulat pero ok lang kung walang magbasa.. paki ko ba? hindi ko nman to ginagawa para sa iba eh.. ginagawa ko to para sa sarili ko…loko lang.. syempre para sa ating lahat… kung walang ibang magbasa eh di ako nalang.. hahaha tangkilin ang sariling atin.lol

naapreciate ko yung mga nakakatuwang oras na nakakakabasa ako ng kwentong inspiring… yung tipong pangaral ni nanay ang dating, kulang nalang na paluin ka sa pwet sa mga pangaral na nakaipit dito.. meron ding nakakatawa… punong puno ng humor ang buong paligid… kulang nalang na halukayin ang underarm mo para mapatawa ka ng todo-todo, hindi mo mapipigiling ngumiti at tumawa sa kakabasa… meron pang educational… yung mga tipong sineskwela ang approach… daig pa nya yung ibang tamad na guro ang nag-research para lang makatulong at maging informative yung post nya… hehehe at hindi rin naman pahuhuli ang mga nagpopost ng tungkol sa kanikanilang province..o di ba, libre ka na sa pasyal.. may kwento pang kasama.. pero ang pinakaMALUFET sa lahat yung mga nagpapakita ng kanikanyang talent… yung mga tipong kulang nalang na kumain ng apoy, lumunok ng bubog at lumutang sa hangin para lang umangat at mapansin na tipong nang-iinggit ang dating.lol… may kumakanta… nagrerecord pa ng video mala charo santos na nagkukwento sa kanilang buhay buhay kung anung niluto kahapon at kung anung lulutuin mamaya lol… may nagdadrama na mala-bitoy ang dating at meron din namang nagpopost ng mga litrato na gamit eh yung talent at knowledge sa photograpy at kung anu anu pa… pero sa totoo lang, saludo nman ako sa inyu…sana ipinanganak din akong may talent kagaya nyo… pero makita at mabasa ko lang mga post nyo, masaya na ako… lalo na kapag nakasabay ko yung makukulit na yan sa chatbox… nakupo…

speaking of chatboxes isa pa yun sa pinakamainit kong inaabangan… yung mga tambay dun na walang ibang magawa, nakatambay lang nghahanap ng kakulitan… may mga hyper na tipong bangag na bangag..kung anu anung pinag-uusapan.. meron din daw kuno depress na di mo alam kung nagdidrama lang kase kapag tatanungin mo kung maglalaslas na ba sya, isang malaking grin:D naman ang isasagot sayu sabay tawa…lol meron din nmang mga serious moments na kahit dimo kilala eh napaglalabasan mo ng problema at instant advice nman sya na parang consern na consern kuno..

hahaha mundo ng blogging nagugustuhan ko na.. im looking forward for a long way trip na pagsasamahan pa natin mga pare.. a trip full of fun and cool things… para sa inyu to..lab.u.ol

overandout
kosa

Posted by kakosa at 5:39 pm | permalink | comments[5]