Apat na ibat ibang uri ng panahon... tag-lamig, tag-sibol, tag-araw at tag-lagas.. Parang Buhay.. Pabagobago.. paiba-iba!

Home » Post Item » Koment nman dyan!

Koment nman dyan!

October 20, 2008

Linggo ng Hapon… ika-labing siyam ng Oktuber… bangdang alas-kawtro y medya ng hapon… eto nakatambay… naglalakbay sa malayung lugar kung saan nagagawa kong posible ang mga imposible… in short bangag!

Hindi madaling gumawa ng post lalo na kung ang mga nauna mong post ay tinamaan ng sandamakmak (kuno!) na papuri kulang nalang na bigyan ka mala Edsa na shrine na istatwa sa kahabaan ng Edsa o di kaya ipagdiwang ang bertday mo bilang halidey ng mga bloggers… minsan, halata mo na inuuto ka lang… pero yaan mu na… libre nman ang mga ganun eh… pupuriin ka..bahala ka na kung maniniwala ka… kung katulad mo ako, syempre, adik ka… baliw… at may sayad… in short mdaling mauto, syempre maniniwala ka… tae nat paanu ka ba nman makakahindi eh sa lakas ng hangin kapag pinupuri ka eh parang tinataan ka ng ipo-ipo sa lakas ng hagupit…kulang nalang na liparin ka sa dami ng papuri at minsan masmalakas pa yata sa dulot na perwisyo ng mga dumadaang bagyo,  tsunami at hurricane ang dating.. diko na alam kung anung tawag dun… nakaka-hyper… di ka kayang pakalmain ng iisang basong tubig at palamigin ng kawawang electric fan na panay ang ikot sa iyong tabi.. o di kaya ng aircon na minsan lang gumana… pakunswelo nalang yung mga kakarampot at maharot na comment na matatanggap mo… yun nga madalas para magmukang madaming comment yung post mo… gagawing parang YM yung  comment ng mga post…tsk tsk tsk… oks nman agree (di ako kokontra)  atleast nakikita ng madla na bumibisita na madaming komento yung post mo  ganun din yung palitan ninyu ng kuru-kuro’t  komento… at yung komento sa komento ng komento mo… at yung komento nya sa komento ng komento mo sa komento nya… waaaaa.. ang gulo… sana di ka nahilo…

anu nga bang masasabi ko sa mga komento na nakikita ko sa mga ibang post.. wala nmang unusual… madalas kase nakikita at naapansin  ko… puro nalang papuri… puro naman “agree ako”… “pwede na”.. o di kaya “ganun din ako” ang nakikita kong letanya… pwede ka nman sigurong bumati sa comment di ba.. yung mala,” ahhhh andito ako.. binabati ko yung kapatid ko…” o di kaya, ipamahagi mo yung paborito mong kanta o singer.. yung mala” sabi nga ni ogie alkasid, ditoooo.. dito sa puso kooooo”… pwede ka ding mag mura…yung mala, “tae na…gayahin mo style ko… commetn nman dyan.. ang di magcomment, tutubuan ng  galis sa singit..” o di kaya magshare ka ng about sa mga special talents na meron ka… yung mala… “sabi ng lolo ko, madalas daw nagkakatoo yung mga sinasabi ko, may nunal kase ang dila ko”… mga temang ganun…di lang puro “agree”.. “ako din”… ganto… ganyan… wahhhh nakakasawa na din di ba… kontra nman paminsan minsan.. welll comment ko lang din sa mga comment na madalas kong makita at mabasa..

magandang umaga mga mokong! cheerss:)

Posted by kakosa at 8:36 am | permalink

Previous Comments

wakakka,naniwala ka nman?

Posted by Darkroom at October 20, 2008, 10:02 am

ayoco lang tubuan ng galis sa singit:D

sige. . pabati na lang sa tita co sa canada at sa lahat ng tfc subscriber:D

Posted by paperdoll at October 20, 2008, 10:19 am

@amor, uu pre naniniwala ako… utouto kase ako… lol

@paperdoll. lol gamitin mo yung manika at karayum mo para makagante… waw.. isa kang henyo.. yan ang tamang diskarte… see you around

Posted by kakosa at October 20, 2008, 10:35 am

agree ako!

hahaha onga naman pwede namang gawing batian portion ang koment box na ito. sige na pagbati para sa aking kaibigang si kosa na nasa bartolina :)

parang ayoko rin ng galis sa singit…

Posted by Myk2ts at October 20, 2008, 10:45 am

@myk2ts… oks oks… lagi kong naririnig yan.. agree agree.. wow.. sige damihan mu pa babatiin mo..sa susunod my bayad na yan. cheers mokong

Posted by kakosa at October 20, 2008, 11:41 am

dammit! this is nonsense post, sana nglagay k nmn ng babala: nonsense to,lol…wahahahahhaahha

shete i spent how mins of reading this post tapos ganun lang pala! gee! whatever!!!

sana nmn next time eh meron laman. lol…this isvery usual post eh, spillin out ur grivances na parang ewa,lol (just like whatta doin ryt now,lol) lol again!

btw, another traffic for you!!!

lol…eto isang halimbawa ng pangungutyang comment! take it or leave it,lol

haroo! haroo!

Posted by difficult person at October 20, 2008, 11:51 am

wahhhh sani… mahal na kita…loko.. isang haroo para sa pangahas na tulad mo.. appreciate it pareko.. lo see you round

Posted by kakosa at October 20, 2008, 11:56 am

waaahhh… mag-comment na rin ako… ayokong tubuan ng galis…

isang lang masasabi ko… ADEK!!!

lolz

Posted by MARCO at October 20, 2008, 12:25 pm

@marko..mismo… ang gaganda ng mga comment ah..lolz salamak.. adik ka din

Posted by kakosa at October 20, 2008, 12:30 pm

buti kosa lam mo na uto uto ka,hahaha, blee!jokeness, pre paki add ako ulet s ym na dlete ko ata ksi ung ym mo pag add kow, tenchu

Posted by Darkroom at October 20, 2008, 11:34 pm

walng kwento. kung pagkain, walang lasa.
ok na din..

Posted by jun at October 21, 2008, 7:04 am

hmmm…

I “disagree” with all the things you said in your post. hahaha.

o ayan. hindi “agree” yan ah. :)

Posted by joshmarie at October 21, 2008, 11:37 am

@DR.. lol kosa added you uleyt.. accept mo nalang wag erase oks ba?

@jun..waw naligaw ka.. ngayun ka lang lumabas sa quadra ah…

@joshmarie.. wahhh salamat sa disagree…lufeeeet:] see you around..

Posted by kakosa at October 21, 2008, 2:03 pm

factsheet! pilitan ba to!? kailangan ba talagang manakot para magka-comment? sige na nga comment na kita, kasi comment mo rin ako. purihin u kasi u puri me. gusto mo x-links pa tayo eh.
Tambayan Ni Byter

Posted by byter at October 24, 2008, 2:03 pm

wahhhh epektibo ba? lolz.. sige xchangelinks tyu..

Posted by kakosa at October 24, 2008, 2:13 pm

BF waaaaaaaaaaaaaa….naintriga ako sa post mo…amf ka mishu ko ikaw BF san ka kasi ang gagala kainis ka naman…

Posted by shuo at October 25, 2008, 10:23 pm

@bf shuo..lolz anung nakakaintriga dito? waaaaaaaahhh kaw nga di nagpaparamdam dyan eh.. nakalanghap ka na ba ng hanging manilat di mo nako naalala? see you ’round

Posted by kakosa at October 26, 2008, 2:39 am

Add a comment