Rosaryo ni POgi
October 12, 2008
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Black rosary sa buwan ng oktubre (nagnonobena araw araw most of the time a amin nun gabi o di kaya hapon kase mainit sa tanghali - at pinagpapasa pasahan ang rebulto ni mama meri para manirahan ng isang gabi sa kani kanilang bahay. nais kong ibahagi ang isang nakakatuwang kwento sa inyu…medyo may kinalaman din ito sa litrato na nakalagay sa kanan… ahhhh kaliwa pala… yan kase yung simbahan nmin sa bayan namin… patron namin si ewan ko kung sinu, basta ang pangalan ng simbahan namin, OUR LADY OF IMMACULATE CONCEPTION at panatiko talaga ang mga tao sa amin kung ang paguusapan ay rosaryo at si Mama Meri…
ito ang kwento:
Linggo. halos labasan ako sa tuwa sa panonood ng “simpsons” sa starworld. sa wakas ay may keybol na rin tong isang TV dito sa taas sa family room. mga labinlimang minuto na ring akong nakatunganga sa harap ng antigong TV nang biglang isang talsik-laway na sutsot ang narinig ko sa baba…
“Baba ka na! magsisimula na!”
ano daw yon? ah, siguro kakain na. medyo nagrerebolusyon na rin ang bituka ko kayat minabuti ko nang bumaba.
ano to?!
anim na matatandang babae at nangangamoy “tina” na tinatawag collectively as Mother Butlers at dalawang naghahagikhikang dalaginding na malamang sa pagtanda ay magiging miyembro na rin nila ang nagkikikislot-kislot sa kanilang mga kinauupuan ang tumambad sa paningin ko.
“O! etong rosaryo mo! ikaw ang first mystery ha!” sabay abot ng nanay ko sakin ng black rosary. inabot ko yon ng may takot sa likod ng isip ko na baka mangisay ako sa oras na dumampi yon sa balat ko… hindi naman.
oo nga pala. last day ngayon ng estatwa ng Virgin Mary sa bahay namin. ewan ko ba kung bakit napagawi sya sa aming bahay gayong hindi naman relihiyoso ang pamilya namin (maliban na lamang sa nanay ko na paminsan-minsan ay nagsisimba).
Okey lang naman sakin ang ganon pero namaaaaaan… kailangan pa bang ako ang mag-lead ng dasal e ni “oh my god” lamang e di ko pa ma-memorize. (teka bago ako magpatuloy, di po ako atheist; naniniwala ako kay God pero sa mga rebulto, hindi. di ba yung mga rebulto kapag nabasag ginagawang chalk. ganun ata yun. pero katoliko ako by default)
nagsimulang magdasal ang nanay ko habang ang mga matatandang ale naman ay nangagsipikit na parang kinakalikot ang kanilang mga ano ng isang mahiwagang kamay. hinagilap ko naman agad ang prayer book na dala-dala nila at nagpa-panic kung ano nga ba ulet ang first glorious mystery. grade 1 pa ko nung huli ko itong gawin. tutal nakapikit naman sila eh di naman nila ako makikitang di magkandatuto sa paghahanap ng unang misteryo… ayun! resurrection!
“… deliver us from evil, amen… uh-urmmm…A-men!…Psst.. A-men na, ikaw na!”
ah oo nga pala… yun na yung cue ko… “The first Mystery of the Glorious Mystery…(teka parang mali ata)… The Mystery of the Rosary is Gloriously the First… (naku, pano ba to)… The First Mystery is the Resurrection…ehem… Glorious Mystery”
Mas malagkit pa sa inihaing kakanin ng nanay ko ang mga butil ng pawis na tumatagaktak sa katawan ko habang sinasambit ang mga dasal na sana’y ni-rehearse ko muna bago magsimula.
“Hail Mary full of Grace… of thy womb Jesus… Holy Mary, Mother of…” ay ganun pala yun. dapat pala titigil na ko sa of-thy-womb-Jesus tapos sila na ang magpapatuloy. hmmm, madali lang pala e. sabihin ko lang ng sampung beses tapos solb na ko. ate ko naman ang second mystery.
pero teka! ano na yung next prayer matapos magpaulit-ulit ng sampung Hail Mary (na hindi ko makuha ang point kung bakit dapat ulit-ulitin. di naman siguro bingi ang dinadasalan namin)… ah Glory be. chicken! alam ko to. “and to the Holy Spirit..” syempre this time, alam ko nang dapat tumigil na ko dahil sila na ang magapapatuloy ng “… as it was in the beginning…”.
Tapos na ang Glory Be. 2nd mystery na ba? hay sana naman dahil ayoko nang magpatuloy pa.
“Hoy! Ejaculation na!” sabi ng nanay ko.
“HA? Pakiulit nga?!” tama ba yung narinig ko Ejaculation daw? of Mama Mary? Ano ba to? Muntik na kong magbaba ng shorts ko sa harap ng rebulto kung hindi pa itinuro ng ate ko ang nakasulat sa prayer book. Oo nga naman ejaculation nga. pero naman… sa dinami-dami ng words bakit yun pa. sus. yun pala yon. enweis wala na kong magagawa dun…
tapos na ang part ko sa pagli-lead ng prayer. tapos na ang first mystery. minabuti ko na lamang na manahimik sa isang sulok at makinig sa mga kapamilya ko na siya namang sumunod sakin…2nd…3rd..4th… hanggang 5th mystery.
tapos na ang rosary. ililipat na sa ibang bahay ang estatwang gawa sa chalk. syempre, alangan namang yung matatanda ang magbubuhat ng poon kaya ako na lang ang “ini-volunteer” (tsk tsk tsk) ng nanay ko para magdala noon. hawak hawak ko na si mama mary palabas ng gate ng biglang may kung anong mahiwagang mga boses ang umalingawngaw sa aking likuran… anak ng pu–… kundi ka ba naman sinuswerte talaga, oo. habang naglalakad ako ng marahan sa gitna ng kalye ay may pulutong ng mga de-kandilang mga menopause ang nag-e-escort sakin papunta sa bahay na paglilipatan habang kumakanta ng makabagbag-damdaming - “araw-araw kay Maria, kami ay nagdarasal…”
next time, kung sakaling may ganitong okasyon uli, mag-pa-practice muna ko para di na ko magmukhang tanga sa harap ni Mama Mary. sa pagkakataong yon, alam ko na na ang ejaculation pala ay pwede rin habang nagrorosaryo. at dapat ko ring tandaan na wag pumayag kung sakaling “i-volunteer” ka ng nanay mo na magbuhat ng santo. nakakakilabot.
copied from; http://pogingpayatot.blogspot.com
Previous Comments
sunny, salamat s coment, nakikita ko palang pangalan mo natatawa na ako eh..lol lufet
Posted by kakosa at October 12, 2008, 3:41 pmwahahaha ang aga ko namang natawa hahaha un lang tulog n ulit
*tawa pa din*
hehehe.. nakakatawa.. ganun talaga kapag di mahilig magdasal… ako madalas din akong ganyan, kaya pag alam kong dadalhin o aalisin ang birhen sa bahay… nangangapitbahay ako…
tsaka pakiramdam ko umiinit ang paligid, pag malapit ako sa krus, santo o simbahan…
Posted by gilbert at October 13, 2008, 7:38 am@yeine thanks.. hehehe sige tulog ulit.. thanks for dropping by.. see you sa susunod…
@gilbert..lol hahaha..medyo pareho pala tyo, hindi mapakalikapag napapalapit sa mga holy na bagay. lol
salamat sa bisita





wahahahahaha! inde ko pa yan nagawa at ayaw na ayaw ko tlga, lol…kahit sa skul lage ko yan iniiwasan..ang hirap kaya kahit namn kabisa ko yang rosary kahit papano at marunong mgmodulate ng boses eh ayaw ko pa rin…lol
ejaculation,lol iba rin tlga pumpasok sa isip ko nyan! ano b mas matimbang?wahahaha!
pero nakakamiss mga ganyan n gawain, lalo na un sa nayon,waheheeh!
Posted by sunny at October 12, 2008, 3:15 pm