HAPPY BLOGGING
October 5, 2008sa mga oras na to, natututunan ko nang magustuhan ang blogging… salamat kay pareng keno.. sa simpleng pagtambay sa site nya dati…kinig music at makipagkulitan sa chatbox nya, napilit nya akong gumawa ng sarili kong site…at ngayun nga, wala pang isang buwan ‘tong site ko pero humakot na yata ng award sa iisang award giving buddy..lol
and i want to take this opportunity to thank you buddy for all the awards…hehehe without pareng keno walang akong award na ganto..lol
nung una, naisip ko sinu nman kaya nga magbabasa sa mga walang kwenta kong isusulat pero ok lang kung walang magbasa.. paki ko ba? hindi ko nman to ginagawa para sa iba eh.. ginagawa ko to para sa sarili ko…loko lang.. syempre para sa ating lahat… kung walang ibang magbasa eh di ako nalang.. hahaha tangkilin ang sariling atin.lol
naapreciate ko yung mga nakakatuwang oras na nakakakabasa ako ng kwentong inspiring… yung tipong pangaral ni nanay ang dating, kulang nalang na paluin ka sa pwet sa mga pangaral na nakaipit dito.. meron ding nakakatawa… punong puno ng humor ang buong paligid… kulang nalang na halukayin ang underarm mo para mapatawa ka ng todo-todo, hindi mo mapipigiling ngumiti at tumawa sa kakabasa… meron pang educational… yung mga tipong sineskwela ang approach… daig pa nya yung ibang tamad na guro ang nag-research para lang makatulong at maging informative yung post nya… hehehe at hindi rin naman pahuhuli ang mga nagpopost ng tungkol sa kanikanilang province..o di ba, libre ka na sa pasyal.. may kwento pang kasama.. pero ang pinakaMALUFET sa lahat yung mga nagpapakita ng kanikanyang talent… yung mga tipong kulang nalang na kumain ng apoy, lumunok ng bubog at lumutang sa hangin para lang umangat at mapansin na tipong nang-iinggit ang dating.lol… may kumakanta… nagrerecord pa ng video mala charo santos na nagkukwento sa kanilang buhay buhay kung anung niluto kahapon at kung anung lulutuin mamaya lol… may nagdadrama na mala-bitoy ang dating at meron din namang nagpopost ng mga litrato na gamit eh yung talent at knowledge sa photograpy at kung anu anu pa… pero sa totoo lang, saludo nman ako sa inyu…sana ipinanganak din akong may talent kagaya nyo… pero makita at mabasa ko lang mga post nyo, masaya na ako… lalo na kapag nakasabay ko yung makukulit na yan sa chatbox… nakupo…
speaking of chatboxes isa pa yun sa pinakamainit kong inaabangan… yung mga tambay dun na walang ibang magawa, nakatambay lang nghahanap ng kakulitan… may mga hyper na tipong bangag na bangag..kung anu anung pinag-uusapan.. meron din daw kuno depress na di mo alam kung nagdidrama lang kase kapag tatanungin mo kung maglalaslas na ba sya, isang malaking grin:D naman ang isasagot sayu sabay tawa…lol meron din nmang mga serious moments na kahit dimo kilala eh napaglalabasan mo ng problema at instant advice nman sya na parang consern na consern kuno..
hahaha mundo ng blogging nagugustuhan ko na.. im looking forward for a long way trip na pagsasamahan pa natin mga pare.. a trip full of fun and cool things… para sa inyu to..lab.u.ol
overandout
kosa
Previous Comments
suny.. wag mung sabihin na blog na to isa sa mga blog na walang kalaman-laman..lol
Posted by junior at October 6, 2008, 4:51 amhehehe happy blogging for u
Posted by RIP666 at October 6, 2008, 2:38 pmmadaming sorpresa ang dulot ng blogging. makakakita ka ng kaibigan. minsan, dahil sa blog, mawawalan ka din ng kaibigan. pero ang pinakamasarap eh yung makatagpo ka ng ka-ibigan. yihiii.
Posted by pogingpayatot at October 7, 2008, 2:49 amwow..
sunny, sa susunod, post ka din ng theme eh tagalog o kahit taglish lang..lol di kase ako nakakaintindi ng ingles eh..lol
jun, sana nman gawa ka din ng sarli mong blog.. para kita natin kung magkaroon din ng laman… lol hirap kaya mag-isip ng pwedeng ipost
poginglampayatot, salamat sa bisita…sa uulitin..lol
tama ka sa mga sinabi mo… hahahaha.. bakit, may nahanap ka bang kai-bigan sa blog world?
salamat sa pagbisita..sa uulitin..
Posted by kosa at October 7, 2008, 12:05 pm




wahahaha! isang kampay para dito…magaling mgaling n description kun bakit merong blog-addict….sang malawak n pagpapayag! ako’y naiingit sa iyong paglathala, wari’y gusto ko n ring mgblog ng pinoy n may humor,lol….
Posted by sunny at October 5, 2008, 5:58 pmpero nkaktuwa tlga blogging, meron blog sa kusina, sa litrato, sa drama, sa kayabangan,lakokohan at merong din blog n walng kalamn-lamn…lol….
keep on rockin KOSA!